Lascivious Casanova 44

Magsimula sa umpisa
                                    

Problemadong problemado siya na wala akong susuotin. Sinubukan ko tuloy na mahawa sa kanya. Bagsak balikat ko siyang tiningnan. Hindi ko magawang magulat. Kung mananalamin ako ngayon mababakas ang pagkawalang pakialam sa emosyon ko. Pero kahit nagkaganoon, nakumbinsi ko si Irene na nalungkot ako.

"Tutulong na lang ako sa medic. Hindi na lang ako sasali-"

"Gamitin mo na lang itong sa akin, Clementine. Ako na lang ang hindi sasali," si Harry iyon.

Nalipat sa kanya ang tingin ko. Inaabot nito sa akin ang medyo maluwag sa akin na tshirt. Sandali akong natigilan. Nawala ako bigla sa pag-arte. Tinitigan ko lang ang inaalok niya at hindi ko kinuha. Naisip ko na kung tatanggapin ko ito masisira ang plano ni Jax. Masasayang din ang pag iwan ko sa bike ko. Kung hindi ko naman tatanggapin, tiyak na magtataka sila.

"Pero mas kailangan ka roon, Harry."

"Kayo na ang mauna. Susunod na lang ako. Baka kung saan lang nailagay 'yung mga nawawalang tshirt. Hahanapin ko muna."

Napalunok ako. Inikot ko ang tingin sa mapunong paligid. Malamig ang pang-umagang hangin. Tamang tama ang oras na ito para sa pag-eehersisyo. Pero nasaan na ba kasi 'yung unggoy na iyon? Dapat tinutulungan na niya ako ngayon ditong lumusot! Naitago niya ang ibang tshirt na ang ibig sabihin lang ay nandito na siya pero hindi naman magawang magpakita sa akin!

"Hindi na, Harry. Okay lang ako-"

"Okay lang din ako. Kunin mo na," sabay pilit sa akin ng damit.

Nilapit niya sa akin iyon na itinulak ko naman pabalik sa kanya. Umiling ako at pilit siyang nginitian. Kapag palpak itong si Jax at hindi talaga nakasama ang isa sa amin ni Harry, isang buwan siyang hindi makakatikim talaga!

"Sayo na iyan, Harry. Wala rin akong bike na gagamitin-"

"Gamitin mo ang bike ko. Magpapadala na lang ako ng panibago para makahabol ako. Si Cathy na lang muna ang paghahawakin ko sa camera."

Nagtiim bagang ako. Sa inis ko kay Jax, inabot ko ang tshirt. Pinupog ko siya ng mura sa isip ko. Sana'y inagahan ko na lang at dinala ko ang bike ko! Sa susunod hindi na ako magpapauto sa gago na iyon! Kung gusto niya nang may kaparehong damit, mag-couple shirt sila ni Peter!

Nahawakan ko na ang dulo ng damit ni Harry nang may tumakip sa mukha ko. Nabitiwan ko ulit ang tshirt. Pag-angat ko ng kamay at pagkapa ko sa nakatabon sa ulo ko, naramdaman ko ang malambot na tela.

Umirap ako sa ilalim ng tshirt na pagmamay-ari ni Jax. Hindi ko pa siya nakikita dahil nahaharangan ng tela ang mata ko pero dahil sa kabisadong kabisado kong amoy niya alam ko kaagad na kay Jax ito.

"I heard you two talking. I have a spare shirt and bike here. You can use it..." Kunwaring malamig ang boses niya.

Inalis ko ang tshirt na nasa mukha ko. Kulay light pink ang tshirt na kamukha ng sa kanya. Tinalikuran niya kami pagkatapos niyang padarag na iabot sa akin ang bike na may kaparehong disenyo sa kanya.

Sinundan ko ng tingin ang malapad niyang likod. Ang suot niyang tshirt ay mayroong nakasulat na apelyido niyang Dawson sa likuran. Padaan siya sa harapan ng mga guro. Pagkakita niya kay Miss Abadiano na nag aabang, lumihis siya. Hinabol siya ng tingin ng guro. Nakagat ko ng mahina ang ibabang labi ko nang matantong wala siyang pakialam sa suot nito.

Pasimple kong inangat ang tshirt na nasa akin at nakitang may nakasulat din na Dawson sa likuran nito. Sa ibaba ng Dawson ay ang numerong seven, araw kung kailan naging kami. Sa harapan naman ay nakaprinta ang 'HELP by BIKE' at logo ng eskwelahan at ng mga Valiente.

Pinigilan kong lumabi dahil nasa harapan ko pa sina Harry at Irene. Ito pala ang plano niya. Masiyado siyang ma-effort para sa lalaking first time magka-girlfriend. Nawala ng parang bula ang inis ko kanina. Napalitan iyon ng nagliliparang paru paro sa aking tiyan.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon