"Ha-rris" wala sa sariling bulong ko dito habang nakatingin sa seryosong mukha nito napansin ko namang may iilang basag ng bote ang nakakalat sa tabi nito .Maya maya pa ayy lumapit ito sakin sabay yakap nito.

" Cassandra " wala sa sariling bulong nito

" Ha--rris teka" bulong ko dito sabay layo dito pero mahigpit ang pag kakayakap nito sakin .

" Ahhh Harris ano ba! ako to si Sam" sigaw ko dito binuhos ko naman ang lakas ko para itulok ito ' at sakto bumitaw ito sa pag kakayakap sakin. Napahawak naman ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo ngayon ko lang naramdaman na naparami na pala ako ng nainom dahil malapit ko ng maubos ang isang bote ng alak.

"Sam?" gulat na bulong nito ng makita ako tiningnan ko naman ito ng masama.

"Nababaliw kana ba?" sigaw ko dito dahil sa sobrang higpit ng pag kakayakap nito sakin at muntikan nakong di makahinga .
Takang tiningnan ko naman ito dahil seryoso lang itong nakatingin sakin. Maya maya pa ayy dahan dahan itong lumapit sakin .

" tekaa anong ginagawa mo" nauutal na sagot ko dito sabay atras dito, papalapit ng palalapit lang ito sakin hanggang sa ma corner ako nito sa pader.

"Anong ginagawa mo dito ?? " seryosong tanong nito habang naka corner ang mga kamay nito sakin.

" ikaw nga ang dapat kong tanungin anong ginagawa mo dito sa kwarto ko" sagot ko dito nakita ko namang ngumiti ito saglit sabay lapit ng mukha nito sakin.

"naliligaw ka ata" bulong nito sa tenga 'ko bigla naman akong namula ng maramdaman ko ang labi nito na dumampi sa tenga ko'

" Anong ibig mong sabihin" wala sa sariling sagot ko dito inikot ko naman ang tingin ko at tila hindi ito ang kwartong pinasukan ko kanina napailing nalang ako. Dahan dahan namang humarap ito sakin sabay tingin sa mga mata ko 'Napansin ko namang namumula ito at tila nangangamoy alak ito mukhang lasing na rin ata ito ' diko naman mapigilan ang mapatingin sa mukha nito napakaamo ng mukha nito at di mo makakailang maraming babaeng nag kakagusto dito, diko naman mapigilan ang mapatingin sa mapupulang labi nito ' nagulat naman ako ng mag salita ito .

" don't do that " bulong nito pero diko gaanong pinansin ito diko pa rin mapigilang mapatingin sa labi nito agad naman ako napakagat labi ng maalala ko ang nangyari sa amin kanina.

" Harris about dun sa --

Diko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang mainit na labi nitong dumampi sa labi ko' gulat na gulat na tiningnan ko naman ito ' gusto kong tumakbo or itulak ito dahil sa ginawa nito pero wala akong lakas para gawin ito' parang lumabot ang kamay at tuhod ko sa ginawa nito , maya maya pa ayy tumigil na ito sa paghalik sakin.

"I said don't do that" seryosong bulong nito ' takang tiningnan ko naman ito dahil diko alam kung  anong ibig sabihin nito'

"hu-hh?" wala sa sariling bulong ko dito napakagat labi naman ako dahil sa ginawa nito ' di pa rin pumapasok sa isip ko kung bakit ginawa niya ito.

" Sh*t Sam" rinig ko na bulong nito sabay halik ulit sakin, ngayon mas lalo pang lumalim ang pag kakahalik nito sakin naramdaman ko naman ang kamay nito na pumulupot sa beywang ko ' diko makuhang itulak ito or lumayo dito patuloy lang sa pag halik ito nakikisabay na rin ang labi ko sa pag halik nito at diko na rin ma pigilan mapapikit dahil sa mainit na mga halik nito ' maya maya pa ayy na ramdaman ko ang kamay kong gumalaw at kusang pumulupot sa leeg nito naramdaman kong bigla itong ngumiti sabay halik ulit sakin.

Mas lalong lamalalim ang mga halik nito at diko alam kung bakit mas malalong nagugustohan ko ito dahan dahan naman akong hiniga sa kama nito habang patuloy pa rin ito sa pag halik sakin, naramdaman ko namang pa baba ng pababa ang halik nito papunta sa leeg ko at diko ma pigilan ang di ma pa ungol sa ginawa nito ' bumalik ulit ang halik nito sa labi ko at tila mas lalo pang lumalim ang halik nito . Maya maya pa ayy nakarinig kami ng katok sa pinto at napatigil ito sa pag halik sakin.

" Sam tulog kana bah baka gusto mo kumain muna?" Si Collins sigaw nito sa labas ng pinto maya maya pa ayy tumigil na ito sa pag katok at tila umalis na rin ito.

Napatingin naman ako kay Harris na ngayon nakatingin sakin.

" Sh*t " rinig ko na bulong nito maya maya pa ayy tumayo na rin ito sabay tingin sakin na tila di makapaniwala sa ginawa nito. Bigla naman akong natauhan sa ginawa nito kayat agad ko namang hinila ang kumot sabay takip sa katawan '

" I'm sorry sam " rinig ko na sagot nito ' dali dali naman itong lumabas ng kwarto at tila may sinasabi pa ito at diko gaanong narinig ito. Wala na rin akong nagawa at naiyak na rin dahil diko alam kung anong pumasok sa isip ko at tila ginawa ko rin yun buti nalang at natauhan kami at napigilan pa namin gawin ang bagay na yun kung hindi baka mas higgit pa dun ang nagawa namin.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now