19

464 35 5
                                    

Apollo Simon Delgado

We stayed at the shore hanggang sa makitang na naming papalubog ang araw. We decided to go home after watching the sunset kaya naglakad na kami papuntang sasakyan niya.

Good thing he told Dad that I am with him kaya makakaasa akong hindi ako papagalitan mamaya.

Naglakad na ako papunta kalsada. Hindi na ako sumakay habang mimaniobra niya ang sasakyan. Umaatras na ang sasakyan niya ng bigla na lang itong tumigil at namatay ang makina.

Naglakad ako papuntang drivers seat at hinintay siyang lumabas roon. Medyo natagalan pa siyang lumabas dahil sinusubukan niya pang istart pero hindi talaga gumagawa kaya lumabas rin siya.

Pinagkrus ko ang kamay ko bago siya tiningnan ng seryoso. Pilyo naman siyang ngumiti sa akin.

"I think it's broken." Dahan dahan niyang saad habang tinitingnan ang mukha ko. Hinihintay niya siguro ang magiging reaction ko. "Well ah, I'm going to ask them here kung may pwedeng mag-ayos ng sasakyan." Bago niya kinamot ang batok niya.

Nagsimula siyang maglakad pero agad rin akong sumunod sa likuran niya.

"So we're not going home tonight?" Tanong ko sa kaniya habang nasa likod niya pa rin ako. Nagsisimula na ring dumilim ang paligid at nagsisindihan na ang mga ilaw.

"I'm afraid... yes." Sagot niya, hindi niya na ako inabalang lingunin at nanatili lang sa paglalakad.

Huminga ako ng malalim at tuloy pa ring sumunod sa kaniya. Magkahawak ang dalawa kong kamay dahil sa pinaghalong lamig at kaba.

"Maganda gabi po." He stopped walking ng may makasalubong kaming lalaki, sa kalkula ko ay nasa early 50's ang lalaki.

"Magandang gabi rin ijo." Sagot nito kay Cap bago ibaling ang paningin sa akin.

Iniyuko ko naman ang ulo ko dahil hindi ako kumportable kapag tinititigan ako ng mga hindi ko kilala.

"Mukhang hindi kayo taga rito ha." Narinig kong dagdag niya pa.

"Opo hindi po kami taga rito." Sang-ayon ni Cap. "Nasiraan ho kasi kami ng sasakyan, magtatanong lang po sana kami kung may alam po kayong nag-aayos rito?"

"Aba oo meron, may malapit na talyer rito. Sumunod kayo at dadalhin ko kayo ron." Pagkatapos sabihin 'yon ng lalaki ay tumalikod ito sa amin at nagsimula nang maglakad.

Akmang susunod na sa paglalakad si Cap pero pinigilan ko siya at hinawakan ang laylayan ng damit niya. Dahil roon ay tumingin siya akin ng may pagtataka.

"Do you... trust him?" Tanong ko sa kaniya.

"We need help Monsi." Saad niya bago ko naramdaman ang kamay niya sa balikat ko, marahan niya 'yong hinaplos saka niya ako nginitian. "Don't worry. I'm with you, I'll protect you."

After that, hinawakan niya ako sa palapulsuhan at tinangay na para sundan ang lalaki.

Gaya ng sabi ng lalaki ay dinala niya kami sa talyer. Pinagtulungan rin nilang itulak ang sasakyan ni Cap para madala roon at maayos. Bigla nga akong nagsisi kanina dahil pinag-isipan ko ng masama 'yong lalaki, wala nga siyang ibang ginawa kundi tulungan kami.

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon