01

1.2K 64 13
                                    

Apollo Simon Delgado

"Kamusta naman ang Paris?" Tanong ni Kevin mula sa driver seat.

"Paris pa rin." Sarkastikong sagot ko naman rito.

"Nasaan pala ang mga pasalubong mo para sa amin. Gaga ka hindi ka namin kinaibigan ni Kevin para lang sa wala." Napaikot naman ang mga mata ko ng marinig na magsalita si Carrie.

"Puwede ba Carrie. Masiyado mong pinapahalata na hindi ka tunay na kaibigan, you're so vulgar." Tinaasan ko siya ng boses para mukhang makatotohanan ang acting ko.

"Excuse me lang ha, hindi ako fake friend tulad nong friend mo na ang pangalan ay kagaya ng initial ng name ko." I know that she will brought this topic.

"At andito ka na naman sa infamous line mo. Hindi ba puwedeng kalimutan mo na yon, it's been what Carrie? It's been ten years." And for the record, hindi lang ako ang may ayaw sa topic na yon. Maging si Kevin ay hindi boto roon, nabasa niyo naman ang statement niya diba.

"Ganiyan lang talaga yang si Carrie kapag natatalo na siya. Kung ano ano ang hinuhukay mula sa nakaraan." Saad ko na kaagad na tinawanan ni Kevin. I'm happy talaga that Kevin is always at my side, kapag ganito na ang nangyayari sa aming tatlo ay si Carrie ang laging natatalo.

"Sumbong ko kayonh dalawa sa asawa ko eh." Saka siya kunwaring nagdial sa phone niya. "Ay! Sumipa." Nagulat pa kami ni Kevin ng bigla siyang sumigaw. "Mabuti pa itong anak ko ipinagtatanggol na ako nasa sinapupunan ko pa lang."

"Huwag mo akong kukunin as ninong ng bulinggit na yan ha. I don't want her na lumaki ang ulo. Siyempre ang chika lagi niyan sa mga classmate niya, she has a highest paid model na ninong." By the way, Carrie's five months pregnant. Medyo lobo na ang tiyan niya and ofcourse I'm happy for her.

"Oh come on Polo, hindi ako agree sa saying mo ngayon." Natawa naman ako ng nagreact si Kevin. "Ikaw ata ang malaki ang ulo."

"Oo nga, ang yabang yabang mo. Tinatapak tapakan mo ang pagkatao namin ni Kevin." Saad ni Carrie tapos pakunwari pang nagpupunas ng fake niyang luha.

"In front of you guys lang naman ako mayabang, you know that right? Kailangang kasing humble ako sa harap ng camera, media and everything." Pabebe kong banggit na tiyak kong mas kinainisan pa nila.

"The day after tomorrow na pala ang reunion ball sa school." Pag-iiba ni Kevin ng usapan habang tuloy pa rin siyang nagdadrive. Ako naman ay lihim na napatawa, confirmed na hindi nila kinakaya ang kayabangan ko.

"Yeah, the day after tomorrow night na pala yon." Segunda naman ni Carrie.

"Ano ba Carrie. You literally just repeat what I've said." Inis na bulyaw ni Kevin mula sa drivers seat. Magbabangayan na naman ang dalawang to, hinayaan ko na lang sila at sinuot ko na lang ang headset na kanina pang nasa lap ko.

I listened to music till I fall asleep, marahil ay pagod na rin ito sa mga pinaggagawa ko at sa byahe pauwi ng Pinas.

"Hoy bakla gumising ka, nakarami ka na sa beauty rest mo. Andito na tayo." Talk about istorbos in life. Hindi ba puwedeng hayaan muna nila akong matulog dito sa sasakyan? Papasada ba 'to? Kaloka ang life.

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Where stories live. Discover now