09

714 56 9
                                    

Apollo Simon Delgado

I'm here na sa mga kateam mates ko. Nakaupo kami sa buhanginan, maganda nga at medyo maulap, may lilim at hindi ganon kainit.

If you are going to ask me kung masaya ba ako sa team ko. Oo naman, masaya, I think magkakaroon kami ng magandang team work. And yes magkasama kami ni Ry. Wanna know more shocking news? Kateam ko rin si Trigo.

Dahil nga lahat kami ay maglalaro si Carrie ang magiging mc. Siya ang magpapaliwanag ng lalaruin at siya rin ang magscore.

I ask her kung kaya niyang gawin and she said yes naman. Kaya niya raw 'yon at wala raw dapat kaming ikaworry.

So ang mga una ata naming lalaruin is parlor games. I don't how many of it pero that's what I heard. I also heard na may mga equivalent daw na points ang parlor games. I think ipapaliwanag naman 'yon ni Carrie.

Nakaupo kaming lahat

"So before we start." Napatingin kaming lahat kay Carrie ng pumagitna siya. May hawak siyang yellow pad ang ballpen, naroon siguro ang mga palaro. "Ipapaliwanag ko na muna sa inyo kung paano ang magiging scoring natin. So may hinanda ang kung sino man ang nagsulat nito rito na ilan." Natawa kaming lahat dahil sa inasta niya, binilang niya muna kung ano 'yong bibilangin niya bago nagsalita ulit. "May ten na parlor games ang nakalista rito. So each parlor games equivalent to 10 points, kapag nanalo ang team niyo sa isang parlor games makakakuha kayo ng 10 points, while para naman sa talo para hindi lugi ay makakakuha sila ng 5 points. Pero sino naman ang magpapatalo diba?" Narinig ko ang mga kasama ko na hindi raw sila papatalo ganoon rin sa isang team.

"After ng parlor games. Kung sino man ang natalo ay magkakaroon pa rin ng chance para makabawi. Our last game is beach volleyball, gagawin natin 'to after lunch. Magkakaroon ang beach volleyball ng five sets, at kung sino man ang manalo after five sets ay makakakuha ng 100 points." Muli na namang umingay dahil doon.

I even hears Kevin's complain. "Maduga, halos lahat ng player noong highschool ay nasa team one. Polo's the captain ball nandoon pa, even the liberos and spikers." Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Yes, captain ball ako ng batch namin tuwing may intrams ang school. Even sa varsity ay ako ang captain ball, pero noong highschool lang 'yon. When I entered college, kahit na gusto ko pang maglaro ay hindi na. I need to focus on my studies kasi.

"Come on Kevin, you're one of the best spikers rin naman in our time. Atsaka hanggang college naglalaro ka, hindi na ako naglaro pagpasok ng college remember." Alam kong hindi siya satisfied sa sinabi ko, lukot pa rin ang mukha niya. "Huwag ka ng masad, kahit nasa team namin ang spikers nasa team niyo naman ang mga blockers." Pampalubag loob ko pa sa kaniya.

"Basta unfair." Hindi na ako sumagot. Tinawanan ko na lang siya.

"Tigilan niyo na 'yan mga siraulo kayo." Narinig kong sita ni Carrie na tinawanan naming lahat. "Any complains?" Dagdag niya pa. "Kung wala ng complains, puwede na ba tayo magproceed?" Tiningnan niya pa kami ni Kevin ng nakakalokong tingin bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ang first parlor game natin ay walang iba kundi...." tumigil pa si Carrie saglit para pasuspense raw. "Eating Kamatis."

Narinig ko ang ingay ng bawat isa, may ibang hindi pabor at may iba namang natutuwa. Samantalang ako, napapalunok nalang. Hindi dahil sa ayaw ko ng kamatis. I mean, I'm not fan of tomatoes but I don't hate it.

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Where stories live. Discover now