18

487 34 1
                                    

Apollo Simon Delgado

"Rise and shine." I opened my eyes after hearing that. Parang bulong lang 'yon pero rinig na rinig ko.

I roamed my eyes to my room at nakita ko sa gilid ng kama si Cap habang may dala dalang tray na may lamang pagkain.

"Breakfast in bed." Bahagya niya pang itinaas ang tray na dala niya at ngumiti sa akin.

Nilagay niya ang pagkain sa harap ko at tahimik kaming kumain. We shared the food dahil hinintay niya raw talaga ako para may kasabay ako. I also looked at the time at als diyes na pala ng umaga.

Natapos namin ang pagkain na wala akong ibang naririnig kundi ang papuwi ni Cap sa pagkain. Kung ano anong sinasabi niyang kalokohan na kesyo dodoblehin niya raw ang sweldo ng cook namin kapag lumipat ito sa kanila.

Wala naman akong ibang ginawa kundi ngumiti at tipid na tumawa sa mga pinagsasabi niya. I'm also glad na hindi niya na binanggit ang nangyari kagabi. Siguro ay nararamdaman niya rin na hindi ako kumportableng pag-usapan ang nangyari.

"I want to go somewhere." Nakaupo na ako ngayon sa harap ng vanity mirror at siya naman ay kapapasok lang galing sa pagbalik ng mga pinagkainan namin.

"Where?" I asked him.

Tumayo siya sa harap ko at pinanuod ako sa ginagawa ko, I'm doing my morning skin care. Para bang hindi niya narinig ang tanong ko at tinitigan na lang ako.

"I'm asking where do you wanna go?" I saw him blink, bago tumikhim.

"I wanna go to the mall." Sagot niya sa tanong ko. "You know what, can you also do that to my face? It looks relaxing."

"Why do you wanna go to the mall?" Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi, kahit pa man umupo na siya sa tabi ko.

"May bagong labas na sapatos and I really want it. Baka magkaubusan so I really want to go." Kita ko ang reflection niya sa salamin kaya nakita ko kung paano magningning ang mga mata niya habang sinasabi ang tungkol sa sapatos.

"And you want me to come with you?" Tanong ko sa kaniya. Tapos na ako sa ginagawa ko kaya tumayo ako para magtintin ng isusuot.

Nakaputing bathrobe lang ako dahil galing rin ako sa pagligo. Pagkatapos kasi naming kumain kanina ay naligo na ako at siya naman sinabi niyang ibabalik niya mga ginamit namin. Medyo matagal ako sa banyo at nagtataka ako kung bakit paglabas ko ay wala pa siya, baka nakipagtsikahan kila Manang sa baba.

"I want  you to come with me pero pwede bang gawin mo rin 'yon sa mukha ko?" Rinig sa boses niyang gusto niya talaga, parang kaninang sinasambit niya yong tungkol sa sapatos.

Inilapag ko sa kama ko ang mga damit na napili ko at nagtungo sa harap ng vanity mirror kung nasaan siya. Humarap ako sa kaniya.

"Face infront of me." Saad ko at mabilis niya naman iyong ginawa, medyo malayo nga lang. "Closer." I told him, nabigla ako ng ilang inch na lang ang layo namin. Itinaas ko ang daliri ko sa noo niya at ginamit 'yon para itulak siya. "Too close."

I started cleaning his face, titig na titig siya sa akin pero hindi ko na pinagtuonan 'yon ng pansin. After cleaning his face ay nag-apply ako ng moisturizer and sunblock. That should be fine.

"All done." Anunsyo ko.

Nagpalit lang ako sa banyo bago na sumama sa kaniya para bilhin ang sapatos niya. 'Yon na lang magagawa ko para makabawi sa ginawa niya sa akin kagabi, baka bigla niya na lang kasing isumbat sa akin 'yon kapag hindi ko siya sinamahan.

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin