04

866 63 8
                                    

Apollo Simon Delgado

"He said that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kevin.

Tha party is over now. Nandito na kami ngayon kina Kevin and kinuwento ko sa kanila kung anong nangyari kanina.

"Yeah, he was like giving warning kay Clark. Wala naman kaming maling ginagawa, I mean I'm not talking to Clark to begin with, si Clark lang talaga ang makulit. Kung ano ano ang sinasabi." I said.

"May pawalk out walk out ka pa kasing nalalaman." Si Carrie.

"Siyempre, you guys are making fun of me. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko kayong tawanan ako sa harapan nila?" Nagtatampo pa rin ako sa kanilang dalawa. Pero sabi nila both of them are sorry daw for what they did kanina, marupok lang naman ako kaya goods na 'yon.

"Let's sleep na nga lang, late na oh." Sinang ayunan naman ni Carrie ang sinabi ni Kevin.

"Are we really going sa one week trip? I mean I love the concept na may activities and kemes but you know." Si Carrie ng makahiga na kami, magkakatabi kami 'cause Kevin's bed is enough para magkasya kaming tatlo.

"Is Crisha's going to be there kaya? I didn't see her kanina." Si Kevin.

"Ikaw Polo? Are you going?" Tuwid lang ang tingin ko sa kisame ng tanungin ako ni Carrie.

"Yes." Tipid ko na lang na sagot saka ko na ipinikit ang mata ko.


"Dalian niyo gumalaw galaw." It's still four in the morning pero sobrang excited ata ni Kevin.

"Ready na ako Kevs, si Carrie tingnan mo." Si Carrie kasi nandon pa sa tapat ng salamin, nagmemake up pa ata.

"Hayaan mo na siya diyan. Ibaba na natin 'tong nga gamit natin para malagay sa sasakyan." Ganoon nga ang ginawa namin ni Kevin, hila hila ko ang maleta ko at maleta ni Carrie, habang nakasukbit naman sa likod ko ang backpack ko.

Alam kong marami akong dala. Pero isang linggo 'yon. Ayaw na ayaw ko pa namang nauubusan ng damit o ng kung ano pang essentials.

Ibinaba muna namin sa living room ang mga dala namin. Tinawag kasi kami ni Tita, kumain na daw muna kami.

Nasa bungad pa lang kami ng dining room ay rinig mo na ang tawanan ng mga lalaki. Kunot nuong nagtungo ako papasok ng dining room at doon ay bumungad sa amin ang tatlong magkakaibigan.

Nakaupo na si Tita sa center table, habang ang tatlo naman ay nakaupo sa kanan ni Tita.

Malapit kay Tita ay si Renz, kasundo ni Renz si Ry then Gab.

Wala naman kaming kaimik imik ni Kevin na umupo. Umupo siya sa tapat ni Renz at malapit kay Tita habang ako ay nasa tapat ni Ry.

"Where's Carrie?" Tanong ni Tita kay Kevin.

"I'm here na po Tita." Napatingin kaming lahat sa kakaupo lang na si Carrie.

She looks fresh.

Wala namang masyadong nangyari sa hapagkaininan, tanging tawa at usapan lang ng tatlong lalaki na nasa harapan namin ang namayani.

Travel van nina Kevin ang gagamitin papunta sa resort kung saan gaganapin ang isang linggo recreational activity ng batch namin.

Si Renz ang driver habang sa passenger seat ay si Kevin. Sa susunod na upuan ay si Carrie, katabi nito ang backpack niya na napaggigitnaan nila ni Gab. While sa pinakalikod is me with guess what?

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin