06

724 56 7
                                    

Apollo Simon Delgado

We all arrived in the island safely.

Mas malaki ang islang ito kumpara sa mga nadaanan namin habang papunta rito. May mga matatayog na puno ng niyog, puti at pino rin ang buhangin dito.

"Ang ganda rito mga mars." Rinig kong papuri ni Carrie sa lugar. Tiningnan ko siya at kitang kita ang amusement na nakapinta sa pagmumukha niya.

"Agree." Narinig kong pagsang-ayon ni Kevin.

Nilibot ko rin ang paningin ko. Maliban sa mga puno ng niyog at puting buhangin. Marami ring mga kubo sa paligid, sa tantya ko ay kasya ang isa hanggang dalawang tao ron.

"Gather around please." Narinig kong sigaw ng kung sino.

Sinunod naman naming lahat ang sinabi niya at pumunta sa harap niya, nakatayo siya sa parang mini stage.

"As you can see, maraming kubo sa paligid. Kakasya tayong lahat pero kailangan by pair bawat kubo. So I want you to find your partners already." Matapos niyang sabihin 'yon ay biglang nagkagulo.

Tiningnan ko so Kevin pero inilingan niya lang ako kasi natural si Carrie na ang kasama niya. I also look for Renz and Gab pero magkasama rin sila.

Iaapproach ko na sana si Clark ng biglang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko rito ay nakangiting mukha ni Ry ang bumungad.

"We can share the kubo together right?" Hindi ko siya pinansin at binaling ko ulit ang tingin ko kay Clark pero sad to say ay may haliparot ng nakalingkis sa braso niya. Para bang hinintay talaga ng babae na 'yon na iannounce na dalawahan sa kubo para maagaw niya si Clark sa akin.

Teka, hindi naman sa akin si Clark. Ang ibig ko lang sabihin ay maagaw niya si Clark bilang kasama ko sa kuno. Don't get me wrong.

Dahil wala naman na akong choice at halos lahat naman ay nakahanap na ng mga kapareha nila. Wala na akong ibang nagawa kundi tanguan ang kulukoy na hanggang ngayon ay mahigpit na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Puwede ka ng bumitaw." Saad ko ng wala ata talaga siyang balak bitawan ang kamay ko.

Agad namang rumihestro sa kaniya ang sinabi ko at agarang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. "Sorry, sorry."

Hindi na ako nagsalita ulit, wala naman na akong sasabihin. Nanatili lang siya sa tabi ko bago na kami pinapunta sa mga designated kubo for us.

"Sa right ako." I said ng marating namin ang harap ng kubong gagamitin namin.

Sa tabi lang namin ang kubo nina Carrie, Kevin, Renz and Gab. Napaggigitnaan nila kami.

Bago pumasok sina Gab at Renz sa kubo nila ay tiningnan at nginitian pa nila ng nakakaloko si Ry na hindi nakalampad sa paningin ko.

"Goodluck pre." Si Gab bago tuluyang pumasok.

"Goodluck bakla." Napatingin din ako kina Carrie ng sabihin niya 'yon.

Hindi nila ako kailangang igoodluck goodluck. Si Ry lang 'yan. If ever man na may gawin siyang kababalaghan sa akin ay katabi rin lang naman namin ang mga kubo nila.

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Where stories live. Discover now