03

847 67 11
                                    

Kenry Zoleigh Vergara

"Have a seat." I can see the shock in his eyes but he manage to stay composed. Hindi rin nagtagal ay naupo na siya sa upuong hinila ko para sa kaniya.

Minutes later may ibinulong siya sa kaibigan niyang babae na si Carrie bago siya tumayo at nagtungo sa isang building.

Hindi naman nagtagal ay agad ko siyang sinundan. I need to talk to him, I need to clear things up between us.

Nakita ko siyang pumasok sa men's room kaya nagtungo rin ako roon para pumasok.

Pagkapasok ko ay pakunwaring naghuhugas lang ako ng kamay. Nakatingin ako sa salamin kaya ng lumabas siya ay kitang kita ko ang gulat sa mukha niya.

Pero gaya kanina ay agad rin siyang nakabawi at nagtungo malapit sa akin para maghugas rin ng kamay.

"How are you?"

"Good." Sagot nito sa tanong ko.

"Ako? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kamusta ako?" Hinarap ko siya at gano'n rin ang ginawa niya.

"How are you Ry?" That nickname, siya lang ang tumatawag sa akin niyan. It still feels so good when he calls me that.

"Good." Sagot ko rin.

Katahimikan ang sumunod na namayani pagkatapos kong sumagot sa tanong niya. Nang sa tingin niya ay wala ng isa sa amin ang sasagot ay tumalikod na siya.

"Where are you going?" Naalerto ako ng makarating siya sa pintuan at akmang pipihitin ito.

"Babalik na sa party." Nagkibit balikat pa siya habang sumasagot. "Hindi naman ako pumunta rito para magstay lang sa banyo." Tumawa pa siya bago buksan ang pinto at lumabas.

Pagkalabas ko ay medyo malayo na siya mula sa kinatatayuan ko. Halatang nagmamadali siya.

"Polo!" Sigaw ko na ikinatigil niya. Sinamantala ko ang pagtigil niya para tumakbo at makarating sa puwesto niya.

"Are you avoiding me?" I asked ng nasa harapan na niya ako.

"No."

"If you're not avoiding me, bakit ka nagmamadali?"

"Nagtext na si Carrie sa akin, ang tagal ko daw." Pero nahihimigan ko sa sagot niya na nagsisinungaling siya.

That's good, I still have the same effect on him ten years ago. Hindi talaga siya mapakali kapag nasa malapit or nakatingin ako sa kaniya. He's till my Monsi.

Instead of saying anything, I bow down and lean forward so I can taste his lips. The kiss was quick pero sinigurado ko na nasakop ko ng buo ang labi.

His lips still soft, it's makes me to kiss him more, but I stop myself. Instead of kissing him again, umalis na lang ako at iniwan siya roon na halata sa mukha ang gulat. 

Now that you're back, I won't let you slip away again, Monsi.

Apollo Simon Delgado

He kiss me.

He kiss me.

He kiss me.

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Where stories live. Discover now