Wakas

30 1 0
                                    

Augustine

Four years later,

"Ilang oras na lang ma, pa, magiging misis na po ako." Hinaplos ko ang lapida nila pareho. Four years, para sa akin mahabang panahon na 'yon, marami kaming pinagdaanan lalo na noong nagsisimula pa lang ang relasyon namin. Doon ko napatunayan na tama nga sila, ang pag-ibig hindi lang puro saya at ligaya, kaakibat nito ang pagsubok, sakit at pagtitiis. I admit, umabot na rin ako sa puntong gusto ko na lang sumuko, because I feel, that I'm not enough for him, that I don't deserve him, kasi ganoon lang ako noon, I wasn't still fully healed during those times. Binago ni James ang buhay ko, sinong mag-aakalang dito rin pala ang patutunguhan namin, eh wala nga akong balak papasukin siya sa buhay ko noon, tama nga sila, we're people and we change our minds. I undergone different therapies inside the four years, hindi ako iniwan ni James nang mga panahong nagsasagupahan kami ng sakit ko, he was there and he's still here, at my side, holding my hands.Minsan, natatawa na lang ako kapag naaalala ko 'yong unang pagtatagpo namin, he's pissed that time, pero noong nagkita kami sa estasyon ng tren sa parehong araw din na 'yon, ay alam ko sa sarili ko na hindi siya ganoong klase ng lalaki, alam kong mabait siya at nadala lang ito sa bugso ng damdamin niya.

"Ilang apo po ba ang gusto ninyo?" nakangiti kong tanong habang patuloy ang paghaplos ko sa lapida nila. Kahapon lang din ay dinala ko si James dito, araw-araw naming dinadalaw ang puntod ng mga magulang ko simula noong naging kami.

"Ma, sa tingin mo maganda ako sa wedding dress ko mamaya? Ikaw pa, magiging guwapo kaya sa paningin mo si James?" dagdag ko pa. I love asking them questions, kahit alam kong wala akong sagot na makukuha, sapat na 'yong, marinig nila ako siguro, kung nasaan man sila, but I know and I believe, that somewhere, they're watching me and they hear me.

"Ma, pa, sayang ano? Hindi niyo man lang maihahatid sa altar." mahinang sabi ko. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko, I know, any seconds from now, I'll get emotional again. When I was a kid, I loved to see a daughter being brought by her parents on the aisle, and that's when I started to dream, that maybe someday, my parents will do the same thing, but I guess that dream isn't for me, when they died, I lost that dream. It's hard to move forward from a dream that once held a special place in your heart, masakit pero nang tumagal na, tinanggap ko na lang, nandiyan naman si Tito Eric, para ihatid ako sa altar, masaya na ako roon.

"Dapat masaya ang bride, at later to be Mrs. Florez."

Napangiti ako nang marinig ang nagsalitang 'yon, it was Lola Esmeralda, she moved from my house noong naging kami pa ni James, I realized that I shouldn't let myself drown from loneliness, I needed a companion too. Magsasama na kami ni James sa iisang bubong, pagkatapos ng kasal, at siyempre kasama ko ring lilipat si Lola.

"Lola naman, masaya lang po talaga ako.' ani ko.

"Mas masaya ang Mama at Papa mo, para sa'yo. Tama na ang pag-iyak, masisira ang ganda mo."

Hindi na ako sumagot at niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Masaya na ako, hindi lang dahil sa araw ngayon ng kasal ko, kung hindi dahil sa pagkatapos ng apat na taon, tuluyan na akong gumaling sa sakit ko, sa wakas ay natuldukan na ang pinakakinatatakutan ko, at higit sa lahat nahanap ko na ang tunay na pag-ibig, at hindi na ako muli pang mag-iisa.

James

"Bro, why is she so matagal?" tanong ni Brial, ang kaibigan kong galing sa London. We're best friends since high school, nawalay lang ang kumag na ito sa akin, pagkatapos ng graduation namin sa College, nag-migrate roon ang pamilya niya, doon na rin siya nakapagpalago ng sarili niyang negosyo. Ngayon lang siya ulit nakauwi ng Pilipinas, kaya conyo siya magsalita.

"Maghintay ka." I said authoritatively.

"What's maghintay?" sunod nitong magtanong.

"You wait." I responded, while staring at my watch. Ten minutes more, magsisimula na. Bakit ang tagal naman ng misis, mahal ko.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Where stories live. Discover now