Kabanata 13

16 1 0
                                    

James

I stepped out of my car when we arrived at her house, umikot ako at pinagbuksan siya ng pintuan. It's already 3 PM, alas nuwebe nang umalis kami sa La Union, kaya kami natagalan sa biyahe ay dahil sa traffic at paulit-ulit kong pagtigil para lang pakainin siya. I just love spoiling her with foods, I love seeing her happy while eating, masaya ako kapag masaya siya, pero mas sasaya pa ako lalo kapag nabubusog siya.

“Ako na bubuhat kay Kiko, mauna ka na sa loob, magpahinga ka na.” I said. Kinuha ko si Kiko na tulog pa rin sa backseat, isinukbit ko rin sa aking balikat ang backpack niya, babalikan ko muna mamaya 'yong maleta.

“Sigurado ka ba?” She responded. She looks so sleepy and tired, malamang ay dahil sa mahabang biyahe.

“Yes, you should rest, ako na bahala.” dagdag ko pa.

“Pero, may trabaho ka pa.” nag-aalalang sabi nito.

“Makakapaghintay 'yon.” I smiled at her.

She nodded.

Humakbang na ito at binuksan ang gate, sumulyap muna siya sa akin bago pumasok sa loob, sumunod na rin ako pagkatapos. Inilapag ko sa sofa ang backpack, naririnig ko namang para siyang nagsasalin ng tubig sa kusina.

“Coffee, tea, or what?”

My attention diverted on her when I heard her asking me what do I wanted to drink, obviously.

“Coffee.” matipid na sagot ko.

“I'll make one for you, iakyat mo na si Kiko sa kuwarto ko.” tugon niya, nang hindi ako tinitignan.

“Saan ba roon ang kuwarto mo?” I curiosly asks, hindi ko pa kasi napapasok o nakikita man lang ang kuwarto niya.

“The first room you'll see, 'yon na 'yon, I didn't locked it, kaya mapapasok mo.” aniya, habang tinatanggal ang saksakan ng water heater.

“Okay, be careful, baka mapaso ka.”

Nag-thumbs-up lang siya, kaya umakyat na ako. I opened the first door, right after getting into the floor. Maaliwalas at napakalinis ng kuwarto niya, the interior design is very minimalist, halos lahat ng makikita mo sa kuwarto niya ay kulay gray, which was her favorite color. There's no much decorations in her room, liban na lang sa isang book shelf, maliit na couch, and table beside her bed with vase and lamp on top of it.

Dahan-dahan kong inilapag si Kiko sa kama, hindi pa rin ito nagising, pinainom na namin siya kanina pa ng gamot, baka maya-maya rin ay maging maayos na ang pakiramdam nito. I heaved a deep sigh, after. Dumako ang paningin ko sa nakabukas na drawer ng table ni August, lumapit ako roon upang isara, ngunit nahagip ng aking mata ang nakataob na picture frame sa loob nito. I got bugged by my curiosity, hindi na ako nag-dalawang isip at kinuha ko nga 'yon. It was Augustine's picture when she was young, I know she attended a wedding in here, kasi naka-bestida siya at nakatayo siya sa harap ng simbahan, while holding a tiny basket full of blossomed flowers. Mahahalatang sobrang saya niya, dahil sa ngiti niya, kulang na nga lang ay sumigaw na 'yong maliliit niyang ngipin sa sobrang lapad ng ngiti niya. Walang nagbago, maganda siya, mula noon hanggang ngayon. She's indeed one of the most beautiful woman, I've ever met, she's next to my mom.

“James.”

Ibinalik ko sa drawer ang picture nito at saka 'yon isinara. “August, palabas na ako.”

“Bumaba ka na, your coffee is ready.”

Pinihit ko ang pintuan at lumabas na nga ako, mula rito ay sinulyapan ko siya sa baba, sa may kusina, nakasuot ito ng apron. She's busy cooking, nasa lamesa na rin ang dalawang tasa ng kape na tiyak kong para sa amin. She's like a housewife, waiting for his husband to go down the stairs for a morning work. I smiled widely with that thought.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Where stories live. Discover now