Kabanata 14

19 1 0
                                    

James

Apat na araw na rin ang nakalilipas simula noong mamatay si Kiko at ma-ospital siya, kinabukasan rin niyon ay pinayagan na siya ng Doktor na lumabas, sa likod ng bahay niya namin inilibing si Kiko, kagaya ng kahilingan niya ay binigyan namin siya ng disenteng libing, niyakap ko siya hanggang sa tumahan ito sa pag-iyak. Kanina ay inihatid ko siya Cafe nito, magbabalik na raw siya roon, para mawaglit sa isip niya kahit saglit lang ang pagkawala ni Kiko.

And me? I'm here at my office right now, kakatapos lang ng orientation ko sa mga bagong saltang employees, may mga tinanggal ako, and the reason is, they're sabotaging me, sila mismo ang nag-le-leak ng mga impormasyon sa mga produktong plinaplano pa lang namin, and worst tinangay ang dalawang milyon nang hindi ko naaamoy, hindi na bale, barya lang 'yon para sa akin kung tutuusin. They don't deserve to be here anymore, I treated them good, and I don't know where did I go wrong at ganoon pa ang isinukli nila.

“Sir.”

Umayos ako ng upo nang marinig ko si Aki, my personal secretary, may iniutos kasi ako sa kaniya kanina, mabuti naman at nakabalik na siya, dalawang oras ko na rin siyang hinihintay.

“Ito na po siya, Sir.” Hawak nito ang maliit na kulungan ng aso, nasa loob nito ang maliit at cute na chihuahua na kakulay ni Kiko, sinadya ko talagang utusan siya para maghanap ng kagaya ni Kiko, dapat sa lahat ng anggulo katulad ni Kiko, kung hindi siya makakahanap ay huwag siyang magpapakita sa akin, I'm glad she found one.

“Ang hirap naman maghanap ng ganiyang aso, Sir.” Napakamot ito sa ulo niya.

“Thank you.” ani ko.

“I don't mind the price, keep the change, may bonus ka pa sa akin sa katapusan.” dagdag ko.

Nanlaki ang mga mata nito, napatalon din ito sa sobrang tuwa, sino ba namang hindi matutuwa, hindi ba?

“Thank you Sir, mabuhay ka.” Lumapit siya at niyugyog ang balikat ko. Ganito na talaga 'to simula pa noong una, well that's why I chose her as my secretary, hindi siya malantod, isip bata siya, palaging nag-o-overreact, pero matalino siya ha. She's just too innocent, simpleng bagay lang masaya na ito.

“Yeah, bumalik ka na sa trabaho mo.” utos ko.

Tumango lang siya at tinalikuran na ako, lumabas na ito sa opisina ko wala pang sampung segundo nang sabihin ko 'yon.

Umupo ako sa aking swivel chair muli at inilapag ang kulungan kung saan mahimbing na nakatulog ang lalaking chihuahua na kulay brown, mas malaki si Kiko ng kaonti sa kaniya, pero talagang kamukhang-kamukha niya si Kiko, siguradong matutuwa siya rito.

I was in the middle of thinking about what would be her reaction when she'll see this, but then, I heard my door knob as it creaks. Who's this? At bakit ang lakas ng loob niyang hindi man lang kumatok. I managed to sit properly in an instant, at ngayon ay hinihintay ko na lang na iluwa ng pintuan ang sino mang tao na ito, na ultimo pagkatok ay hindi siya marunong.

Tumaas ang sulok ng kilay ko at kaagad akong napatayo when I saw him, it was no other than may father, the bad one. I still hate him for leaving me, especially mom, I'll hate him 'til I reach my grave.

“Ano'ng ginagawa mo rito?” I asks authoritatively, not showing any emotions.

He just casually sat in front of me, na parang bang matalik ko siyang kaibigan na naririto para maki-usyoso at mang-asar lang, ano pa bang aasahan ko sa isang 'to, dapat nga nasanay na ako.

“Would you not greet me a good morning first, son?” he emphasized the last word, “son” still sounds evil from the beginning and now.

“Ano bang pakay mo rito?” walang gana kong tanong, habang nakahalukipkip ang aking mga braso.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Where stories live. Discover now