Kabanata 6

11 2 0
                                    

Pinapanood ko lang ang paggalaw ng kamay ng orasan sa mga sandaling 'to, isang oras na ang nakalilipas simula nang ihatid ako ni James, hindi na ako nag-abalang magluto ng hapunan dahil halos anim na beses niya akong pinakain ngayong araw, exemption 'yong mga snacks na drive through sa McDo, pinakain ko na lang din si Kiko ng paborito niyang biscuit at saka ko na siya pinatulog.

Mag-a-alas nuwebe na ng gabi, narito pa rin ako at wala na yatang balak matulog dahil sa mga nangyari ngayong araw, una, sinorpresa ako ni James sa mismong Cafe ko, tapos 'yong mga aksyon at mga sinabi niya na hanggang ngayon ay nahihirapan akong i-absorb, ayaw ko namang bigyan siya ng follow up questions patungkol sa mga 'yon, baka kasi mamaya sabihin pa niyang interesado ako sa nararamdaman niya sa akin, na hindi ko alam kung totoo ba o trip niya lang. Pangalawa, tinanong niya ako kung puwede niya ba akong i-date araw-araw, tapos pumayag naman ako, buo naman ang loob ko sa pagpayag na ginawa ko, kaya panatag ako, noong dinala niya ako sa sinehan as a start of conquering my fear, 'yong mga pagyapos niya sa akin, 'yong pagbigkas niya sa pangalan ko, lahat ng bawat detalye na iniwan niya sa akin ngayong araw ay nagbabalik sa aking isipan.

Natigil lamang ang pag-iisip ko sa mga 'yon, nang marinig ko ang vibration mula sa cellphone ko na nakalapag sa kaharap kong lamesa, agad kong dinampot 'yon at tumambad sa akin ang isang chat mula sa isang dummy account, “Hi Dear.” 'yan lang naman ang sabi niya, malamang sa malamang ay taga ibang bansa 'to. Iba-block ko na sana siya dahil 'yon naman ang habit ko nang biglang may mag-pop up muli na message mula sa anonymous account na 'to.

“It's me, handsome James.” aniya, with matching smiley face at the last part of his text. I abruptly stalked that dummy account of him named Harry Swift, and I noticed that the account was just created thirteen minutes ago? At ako pa lang ang friend niya.

“Sana kasi mukha mo pr-in-ofile mo, bakit kasi manok, mahilig ka ba sa manok?” I put an emoji with rolling eyes at the end of my reply.

“Hindi sa'yo lang naman ako mahilig.” sagot niya with a kissing emoji, naramdaman kong medyo naasiwa ako pagtingin ko pa lang doon sa emoji, actually this is my most hated emoji. I ain't comfortable about it.

“I'm sorry, but I ain't comfortable with that emoji, better refrain from using it?” patanong kong wika, sa pagkakataong ito'y hindi ako nag-include ng emoji sa hulihang parte ng text ko.

“Okay sorry, ano pa ba 'yong mga ayaw mo? Tell me.” He replied. Nag-goosebumps ako bigla kasi bakit parang naririnig ko 'yong boses niya kahit text lang? Sign na maayos talaga auditory ko, why am I asking myself internally about it, kung alam ko rin naman pala ang sagot, August lutang ka talaga. Napatampal na lang ako sa aking noo.

“Akala ko ba may inutusan ka para alamin ang buong pagkatao ko? Dapat alam mo na 'yon.” ani ko.

“Hindi naman included sa demographic profile mo na ayaw mo sa kissing emoji, ang nakalagay nga lang nga doon na hobby mo ay sleeping with your dog, eating with your dog.” paliwanag niya. Alam ko mang-iinis na naman 'to, baka nga tinawanan niya muna ako bago siya mag-reply.

“Eh sa ganoon nga ang hobbies ko, eh ikaw ano ba ang hobby mo? Mambola?” Hindi ko na talaga maiwasang hindi magtaray sa lagay na 'to, si James lang talaga ang nagpapalabas ulit nitong masungit na side ko. Masungit talaga ako, pero sa mga taong kagaya lang ni James na mapang-asar.

“A hobby is defined as the things you love doing, right? Ang hobby ko lang naman ay mahalin ka.”

Dahil sa gulat ko'y naihulog ko ang aking cellphone sa sahig mukhang napalakas pa ang bagsak. I picked it up right away, and when I opened it, a whole black screen welcomed me, wala na, sira na. Limang taon na rin ang cellphone kong 'to sa akin, na-attached na ako rito, at masisira lang dahil sa love este pambobola lines ni James?

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon