Kabanata 2

20 4 0
                                    

Hindi ko pa rin makalimutan 'yong lalaki na yumakap kanina sa akin sa may bus station, his eyes, the way he wrapped his arms around my body, when he winked at me, when he smiled and when he waved his hands. Why do I feel like it stop my heart from beating when he did those actions? Why do I feel like I was enchanted when our eyes met? This was the very first time, that I felt those, and I don't understand why do I need to feel them so.

Napahilot ako sa aking sentido habang inaalala ang mga 'yon, sumakit kasi ng kaonti ang ulo ko. I just got home, and instead of doing the usual hobbies that I'm doing right after getting home from the cafe, narito ako ngayon sa sala, nakaupo at nakatunganga sa kisame habang iniisip ang mga nangyaring 'yon. He shouted at me when we're inside the cafe, tapos kanina sa bus station he hugged me? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa ang mga 'yon, but with the fact na stranger lang siya, he shouldn't did those, it gave me the odd feeling.

“Kiko, have you saw that guy who hugged me a while ago?” tanong ko kay Kiko na nasa tabi ko. Napatampal na lang ako sa aking noo nang maalalang aso pala si Kiko, at saka tulog siya kanina nang mangyari 'yon, kaya imposibleng nakita niya, at mas imposibleng sasagot siya, nagmumukha na tuloy akong timang dito.

Tumayo na lang ako at iniwan si Kiko sa couch, I need to cook for our dinner. Binuksan ko na 'yong refrigerator at kinuha 'yong karne, kumuha rin ako ng tatlong patatas pang-sahog, saka dahon ng laurel para mas mabango. I put the ingredients in one place, hinugasan ko na rin 'yong manok. I wore my apron at hinarap na ang kalan, tinignan ko muli 'yong mga ingredients, then I remember, naubusan pala ako ng toyo saka paminta. I removed my apron at tumungo muli sa sala. Kinuha ko si Kiko sa couch, kailangan kong lumabas para makabili. Sa supermarket na lang ako bibili para makapag-grocery na rin, alas sais pa lang naman ng gabi, marami pang dumadaan na taxi, mas okay din mag-grocery sa gabi, walang masyadong tao, para iwas siksikan at hindi pa hassle.

When I reached the supermarket, I pushed the trolley, nakasakay sa loob nito si Kiko. Kumuha ako ng mga additives na wala pa sa bahay, saka mga biscuits, gustong-gusto kasi ni Kiko ang mga ito. Nakita ko 'yong bagong brand ng cereals na naka-display, ang kaso nasa mataas na parte, hindi ko maabot, mukha pa namang masarap. Tumingin ako sa paligid upang tignan kung mayroon bang saleslady o hindi kaya salesman, magpapatulong sana ako, ang kaso wala.

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Gusto ko nitong cereals, pero ang liit ko.” bulong ko sa aking sarili. Tiningala ko 'yon at tumingkayad, sinubukang abutin ang imposible, ang ending muntikan ko pang madali 'yong mga bottled milk sa may baba niya, mabuti na lang hindi nalaglag baka kulang pa 'tong dinala kong pera para bayaran kapag nagkataon na nadali ko nga.

Napabuntong-hininga na lamang akong muli, kumuha na lang ako ng dating cereals na binibili ko. I was about to get my eyes off that cereals I badly wanted to buy, when an anonymous hands had reached it, nasa likuran ko siya ngayon. I can feel his chest, touching my back, and here I am again, shaking.

“How many cereals do you need?” isang matikas na boses ang umangkin sa magkabilang tainga ko. Dumadagundong na naman ang dibdib ko sa sobrang kaba, kanina ganito na naman 'yong naramdaman ko nang yakapin ako n'yong lalaki sa may bus station.

“T-two?” nauutal kong sagot, napalunok pa ako ng marahan sa sobrang kaba.

“Here.” aniya, at inilagay na 'yon sa loob ng trolley ko, narinig ko pa ang paghalinghing ni Kiko, mahahalatang nasa lalaki ngayon ang tingin niya.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya, laking gulat ko nang mapagtanto na 'yong lalaki sa cafe, sa bus station kanina, ay 'yong lalaki na kumuha ng cereals para sa akin ngayon lang din.

Napahawak ako sa dibdib ko nang magtama ang mga paningin namin. Sobrang lapit namin sa isa't-isa, kaya na niyang pitikin ang ilong ko kung gusto niya lang.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Where stories live. Discover now