Kabanata 8

11 2 0
                                    

An agoraphobic person should avoid going in other places aside from her home, you should avoid crowds. Pero, bakit ko hinayaang dalhin niya ako sa mga lugar na gusto niya? Bakit ko hinayaang kainin ako ng fear ko habang nasa lugar ako na hindi dapat, ngunit kasama ko siya? I understand that a person who's diagnosed from Agoraphobia should always need a companion, but why didn't I refused? Why did I let myself in from something I know it'll be hard for me to escape? Did I just let him have control over me and my fear? I agreed, in everything he wanted and asked, so it was my fault?

Napag-desisyunan kong lisanin ang gusaling 'yon kung saan niya ako dinala kanina, pagkatapos akong galit na sinigawan ng kaniyang girlfriend, hindi ko na hinintay na bumalik siya, kagaya ng napag-usapan. Basta ang alam ko tumakbo ako palabas ng opisina niya, hindi ko tinanggap ang kamay ng girlfriend niya, I was overwhelmed by what she has done, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumakas. Dinala ako ng aking mga paa rito sa sementeryo, bakit pakiramdam ko may napunit sa loob ng puso ko? Bakit pakiramdam ko nanghina ako? Is it because of what just happened a while ago? But, I felt that there's something else inside me that I don't understand and don't know how to describe nor express, I badly wanted to release this heaviness that's currently enclosing inside my chest, pero paano? At ano ito? Napakagulo.

Dumaan ako kanina sa flower shop kung saan ako madalas bumibili ng bulaklak saka kandila na dinadala ko rito sa sementeryo, noong isang linggo ang huling dalaw ko kay Mama at Papa, kapag kasi malungkot ako o hindi kaya may bumabagabag sa akin, I found their graves as my comfort, kahit imposible nilang sagutin lahat ng mga tanong ko, I still talk to them, because I know they're somewhere, listening and looking at me. I miss them so much, I wish I could still have the chance to hug them when my heart aches for reasons I knew, and I couldn't figure out.

“Ma, Pa, bakit po ganito?” usal ko, pero bago 'yon ay sinindihan ko muna 'yong dalawang kandila na inilapag ko sa puntod nila, ganoon din 'yong paboritong bulaklak ni mama na white daisy.

“Bakit parang may mabigat po sa dibdib ko na hindi ko maintindihan?” tanong ko pa rin, nakahawak ako sa dibdib ko at dinarama lang ang mabilis na tibok nito.

“Ma, Pa, ano pong nangyayari? Ano pong ibig sabihin nitong mga nararamdaman ko?”

“Is it because of my fear?”

“Or there's something, else more?”

“Baka nga mayroon pa talagang ibang dahilan kung bakit bumigat at mabigat ngayon ang dibdib mo.” ani ng isang pamilyar na tinig.

Tumayo ako at hinarap siya, it was my Tito Eric on his business suit, may hawak din siyang bulaklak at kandila na agad niyang inilapag sa ibabaw ng lapida nila Mama at Papa, katabi lang din ng mga inilagay ko kanina.

“Tito.” I said in a calm voice, kahit medyo nagulat ako sa biglaan niyang pagdating, nag-mano ako sa kaniya kagaya ng usual kong ginagawa kapag nagkikita kami, it's been six months since he last went into my house and we had a dinner, my Tito knows about my fear, kaya kung may balak siyang gawin kasama ako, sa bahay na lang siya dumidiretso dahil alam niyang hindi dapat ako lumalabas dahil sa kondisyon ko, he's also the one who look for a psychologist for me two years ago. He's so supportive and caring, I already considered him as my second Dad.

“May God bless you more, August.” Ngumiti siya sa akin, sinuklian ko rin siya ng malawak na ngiti at saka ko iminuwestra ang aking kamay sa damuhan, telling him to sit down.

”Are you okay?” panimula niyang tanong, muli rin siyang nagsindi ng dala niyang kandila.

“I don't know, po.” bagsak ang balikat kong sagot.

“Hindi puwedeng hindi mo alam, puso mo 'yan.” litanya niya.

“Tell me what happened an hour ago.” dagdag pa niya.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Where stories live. Discover now