Kabanata 11

17 1 0
                                    

James

I continued humming as I didn't stop softly patting her back, I knew she already fell asleep, I could hear her heartbeat and I know she's completely fine because it's normal, not just like a while ago. Dahan-dahan din akong gumalaw para ayusin ang ulo niyang nakapatong sa aking balikat, ganoon din ang jacket kong nakapulupot sa katawan niya, mahina siya sa lamig kaya kung kinakailangan na yakapin ko pa siya ng mahigpit huwag lang siyang tablan ng lamig ay gagawin ko.

Tumigil ako sa pag-hele at binigyan ko siya ng halik sa tuktok ng kaniyang ulo, inipit ko rin sa kaniyang tainga ang ilang hibla ng buhok niyang nakatakas sa pagkakatali. I smiled widely seeing her fine and sane while asleep, she so tired, she needed my arms to lean on.

“I value you, I will always will.” I whispered, at hinalikan ko ito sa kaniyang noo. Tumitig ako sa bonfire na nasa harapan namin, there are couple of small firewoods left and the flame will disappear few minutes from now. I moved slowly, trying hard not to wake her up, and when I had the right timing, I carried her like how a husband carries her wife after their wedding.

Mabagal ang ginawa kong paghakbang dahil sa buhanginan ako naglalakad ay bumabaon ang paa ko paminsan-minsan, baka kasi matumba kami pareho, mabuti kung ako lang masasaktan, hindi siya.

“Ang sweet naman.” ani Jana nang makasalubong ko siya, may hawak itong bote ng beer, mukhang hindi lang isang bote ang nainom niya dahil lasing na lasing siya, hitsura pa lang nito. Alam ko na dati pa siyang mahilig uminom dahil sa siya ang nang-hold din sa isang hotel ko few years ago, pero hindi rin naglaon ay nilipat ko na siya rito, it's her choice actually ayaw niya na raw kasing malayo sa pamilya niya, malayo raw masyado ang Maynila.

“You're drinking?” tanong ko. I know she is, but I just wanted to know her reasons, baka may problema siya at kung mayroon man, I'll give her a temporary leave.

“Don't mind me Sir, sawi lang 'to sa internet love.” Gumegewang siyang naglakad na palayo, ang babaeng 'yon talaga walang pinagbago kapag nasasawi sa pag-ibig kung tumungga ng alak daig pa kaming mga lalaki.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad, subalit agad din akong napatigil nang marinig ko ang bahagyang pagdaing ni August. “Ma,pa.” namutawi 'yon sa bibig niya, ramdam kong nasasaktan siya, marahil nasasaktan ito, dahil nami-miss niya ang kaniyang mga magulang, she's just ten when her parents died, at magmula noon, mag-isa na lang niyang hinarap ang mundo.

“Shhhh.” pagpapatahan ko at saka hinaplos ang ulo niya. “I'm here, I'll stay.” dagdag ko pa.

Wala na siyang sunod na ini-usal sa kalagitnaan ng kaniyang mahimbing na pagtulog, narating na rin namin ang kuwarto kung saan kami magpapalipas ng dalawang gabi. Nang mabuksan ko ang pintuan ay agad kong kinapa ang switch ng ilaw, naglakad ako ng ilang hakbang at dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama, sinigurado ko ring matigas ang unan na gagamitin niya dahil ayaw niya sa malambot na unan sasakit daw kasi ang ulo niya kapag ganoon, kaya inihabilin ko na kay Jana na ganoon ang ilagay niya rito, even the color of the blanket and comforter were hers favorite, gray.

“Ang ganda mo.” ani ko, nanatili lang sa kaniya ang buong atensiyon ko at ang aking mga mata, mom and her are the most beautiful women, I've ever seen in my whole life.

Agad din akong tumayo para tanggalin ang suot niyang flat sandals,ayaw ko na siyang gisingin pa para magpalit ng pajama, ano ako baliw? Umupo muli ako sa kama pagkatapos kong gawin 'yon, I just can't get my eyes off, of her beautiful face, she's pretty inside and out, she's everything for me.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Where stories live. Discover now