Kabanata 20

12 0 0
                                    

Augustine

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at marahang hinaplos ang mga pilat nito. Nakaupo kami pareho sa seaside kung saan kami madalas pumunta at magtagpo noon. Tahimik lang ako, at pinapanood nang maigi kung paano niya hawakan, hagkan at haplusin ang magkabilang galang-galangan ko. Isang linggo na ang nakararaan noong pinayagan ko siyang manligaw, sa first day we went into a french cuisine, the second day, we went into the cinema, the third day, we went into shopping, the fourth day, nagpunta kami ng Subic, and in the fifth and sixth days, tinulungan niya ako sa Cafe, at ngayon nga'y nandito kami, may dala kaming snacks at lunch.

“Why do you need to hurt yourself like this?” aniya, tumitig siya sa mga mata ko.

Nailang ako kaagad kaya umiwas ako. “It's simply because I can no longer endure the pain, but don't worry that was before, I'm no longer the same person I'm, from the past.”

Napailing-iling ito at inilagay ang dalawang kamay ko sa hita niya. “You should've been gentle to yourself.” pangaral niya sa akin.

How can you be gentle with yourself when the world was rude to you? How can you breathe freely when everything feels suffocating? How can you purse your lips when your heart was completely shattered? How can you go on, when your own shoes doesn't even want you to? I guess that's what sad people do when they can no longer endure the pain, they hurt themselves, but I learned one important lesson from what I did, it doesn't ease the pain away, hurting yourself won't help, you'll just regret it one day.

“I regret everything, I've done to myself. I'm sorry to me.” I smiled while staring at my both wrists.

“That's okay, we all make mistakes. Huwag mo nang sasaktan ulit ang sarili mo, nandito na ako. Hindi ka na mag-iisa.” He intertwined his fingers on mine. With his words and actions, I felt peace and assurance.

“Augustine.”

Pinantayan ko ang titig niya nang tawagin ako nito. "Do you trust me?" puno ng pagsusumamo ang kaniyang mga mata, at ramdam na ramdam ko 'yon.

“Y—yes, I trust you.” nauutal kong tugon.

“Them come with me.” Tumayo siya at inilahad ang kaniyang mga kamay sa ere. Saan ba kami pupunta?

“Saan ba tayo pupunta?” I curiously asked, sabay kamot sa ulo.

"I'll help you conquer your fear, just trust me, okay?" May inilabas ito sa bulsa ng pantalong niya, it was a black scarf.

“Just trust me.” sambit niya.

Tumango na lamang ako.

Umikot siya at nagtungo sa likuran ko, nagsimula niyang sirain ang pagkakatiklop ng scarf na hawak niya. He'll blindfold me, obviously. Hindi nga ako nagkamali, dahil ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang pagkakahabi ng bandana sa talukap ng magkapares kong mga mata. Wala akong ni isang ideya sa gagawin niya, pero kagaya ng sabi niya'y, magtitiwala ako sa kaniya. Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos maramdaman ang higpit ng pagkakatali ng bagay na 'yon.

“Handa ka na ba?” aniya.

Tumango ako. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at nag-umpisa na kaming maglakad, dahan-dahan lang ang ginagawa naming paghakbang. Namamawis na ang kamay kong hawak niya, dahil nakakaramdam talaga ako ng matinding kaba. Gayunpaman, mas hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa kamay niya, pinisil ko rin 'yon ng marahan.

“Magtiwala ka sa akin.” pag-uulit niya, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan nito. Tatanungin ko na sana kung saan ba talaga kami pupunta nang walang ano-ano'y binuhat niya ako, naramdaman ko na lang na nakaupo na ako sa malambot na upuan ng sasakyan niya, sinundan 'yon ng pagsarado ng pintuan.

Sumandal na lang ako sa headrest at hinintay na i-start nito ang makina ng sasakyan, mukhang makakatulog ako nito.

“James?” I called him.

“Yes?” sagot nito kaagad.

“Pangit ba ako kapag naka-blindfold? Hindi ba ako mukhang tanga, rito?”

Ngunit sa halip na sagot ang makuha ko'y hindi, isang mahinang tawa ang isinagot nito.

“Augustine, maganda ka palagi. Huwag kung ano-ano ang tinatanong.” Pinisil nito ang kamay ko at inilagay 'yon sa kaniyang hita. Kampante naman akong hindi niya ako ipapahamak. Kinalma ko na lamang ang aking sarili, at mabuti na lang din ay binuksan nito ang kaniyang stereo.

James

I moved too fast right after parking my car, I opened my car's door and gently held her hands down, nang makababa na siya'y inayos ko muna ang laylayan ng damit niyang natupi, ganoon rin ang buhok niyang humarang sa kabuuan ng mukha nito.

“Are you ready?” I asked.

She just nodded as a response, “Okay.” I answered, and we started walking.

We were in a mall right now, an enclosed space, and this is my challenge for her. I know, it'll be risky, but this is the only thing that's left in my mind, for her, to overcome her fear.  Enclosed space, crowds and situations that will trigger her fear. The best thing to overcome your fear is to face it.

Hindi ko alam kung ano'ng kahihinatnan ng gagawin ko, pero susugal ako, baka sakaling sa paraan na ito'y gagaling siya, nakausap ko na ang Doktor kung saan siya nagpatingin noon, hindi rin ito sigurado kung magtatagumpay ba ang plano naming ito, pero kumakapit kami sa "baka" at "siguro"

“Bakit maingay, nasaan ba tayo?” usisa nito. Nagsimula na rin siyang mangapa, pero sa mukha ko lang lumalanding ang kamay nito.

“August, sampung minuto lang. I'm begging, trust me.” pagsusumamo ko.

“Nasaan ba kasi tayo?” Napakamot ito sa tuktok ng ulo niya.

“Tatanggalin ko na ang piring mo, iiwan kita rito, kailangan mong tumayo rito ng sampung minuto. Magtiwala ka sa akin.” I explained.

“S—sige.” Tumango ito.

I took a deep breath, and I positioned into her back. My hands are shaking, pero tinatagan ko ang loob ko, I'm doing this for her. Sana maintindihan niya pagkatapos.

Nagbilang ako ng isa hanggang tatlo at nang matanggal ko ang piring nito'y tumakbo ako at nagtago sa likod ng pintuan ng isang fast-food chain, ilang dipa lang ang layo ko sa kaniya, para kapag may nangyaring masama sa kaniya'y madali ko siyang malalapitan. Tinignan ko ang relo ko na naka-set ang timer for ten minutes. Nang titigan ko siya'y, sakto naman ang pagkalaglag ng scarf sa sahig.

Nang una'y parang normal lang siyang nakatayo roon, pero nang makalipas ang ilang segundo'y nasaksihan ko na kung paano manginig ang buong katawan niya habang naglalakbay sa paligid ang paningin nito, tinititigan siya ng mga taong dumadaan sa puwesto niya. My heart ached, when I saw her cover her eyes using her hands. Napayuko na lang din ako, hindi ko pala kayang tignan siya nang nahihirapan, pero hindi dapat ako maging mahina, dahil ginagawa ko lang naman ito para sa kaniya. I tapped my own back and looked at her again, taas-baba na ang gawi ng magkabilang balikat niya, senyales na umiiyak na ito. Tatayo na sana ako para patahanin siya, pero bigla na lamang itong tumakbo habang tinatakpan ang tainga nito, at umiiwas sa tingin ng mga tao. Para siyang batang tumatakbo, dahil hinahabol ng masamang tao. Kaagad akong umalis sa puwesto ko at hinabol siya, but her struggle became more harder when she failed to get out the exit door, nag-flocked ang mga shoppers doon at maski ang mga body guards ay hindi sila ma-control.

Mas lalo na akong naalarma nang umupo na siya sa sahig habang yakap-yakap ang sarili, pinagtitinginan siya ng mga tao, may mga lumalapit sa kaniya, kaya mas nahirapan akong malapitan siya. Itinulak ko ang mga tao para lang makadaan ako, at nang marating ko siya'y kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo, tumingin siya sa aking mga mata, umaagos pa rin ang kaniyang mga luha, that breaks my heart even more. Itinayo ko siya dahan-dahan, dahil ramdam ko pa rin ang panginginig niya, maging ang malakas na tibok ng puso niya'y dinig ko.

“J—James.” bulong nito, hinaplos niya ang mukha ko. Hahaplusin ko rin sana ang mukha niya, pero nabigo ako nang mahimatay siya at bumagsak ang katawan nito sa aking braso.

Forgive me, mahal.



My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora