" By the way Mr. Grey  kunin mo lahat ng files ng may bad record' absences , late and No good moral character " nakangiting  sagot ko kay Mr Grey  sabay tingin sa lalaki.

"oh?? pakisabi na rin sa mga kasama mo' mag balot balot na' Lahat ng lumabag sa rules  automatic TAGAL SA TRABAHO!!" seryosong  sagot ko dito sabay talikod  mukhang  nagulat  naman ito sa narinig nito.

" Yes miss" rinig  ko na sangayon ni Mr Grey  nag lakad na rin ako papuntang elevator  may iilan rin atang nakarinig ng sinabi ko kaya't  ngayon parang tutang takot na takot na naka tingin sakin.  Nakaranas rin ako mag trabaho sa mababang position pero sa ganitong mga bagay  di ko pinapalampas ang mga ganong ugali. Mahigpit ako pag dating sa rules pero mabait ako sa mga empleyadong alam kung sumusunod.

Lumabas na rin ako nag building  at sumakay na ng bus ' papunta ako ngayon sa mall at may bibilhin na ball pen.
Mahilig  ako sa ball pen lalo na pag nag susulat ako  kayat  may isang ballpen lang ako na gustong  gusto kong gamitin.

Bumaba  na rin ako ng bus at papasok nako ng mall nag lakad  na rin ako papunta sa bilihan ng ball pen  ' agad ko namang  hinanap ito ang daming mamahaling  ball pen ang nandito hindi kasi basta  bastang ballpen  yung ginagamit dahil paborito ko rin itong gamitin  sa tuwing peperma ako  dahil pwede itong gamitin sa mga malalamig na lugar dahil kadalasan sa ibang ball pen di na na sulat sa tuwing dadalhin ito sa malalamig na lugar.

" Miss may ganito ba kayong  ballpen sabay pakita ng picture nito ' ngumiti  naman ito sabay turo kung nasaan yung ballpeng nahinahanap ko .

" Nag iisang  nalang po ito maam dahil  nabili na po ang kasama nito kahapon  kukunin niyo po bah?" nakangiting  tanong sakin nung salesman

" sige kukunin ko na yan" nakangiting  sagot ko dito sakto naabutan  ko pa tong isa mahirap bilhin  ang ganitong ball pen  dahil limited  lang ito. 

" heto po lahat ma'am " sabay pakita sakin ang presyo  inabot ko naman ang ATM ko dito '

" Thank you po maam" nakangiting sagot nito sabay sauli ng ATM ko agad na rin akong  lumabas  ng shop . Napangiti  naman ako ng makita ang shop ng isang kilalang Ice cream  nag lakad na rin ako dito sabay bili na rin nito '

" Isang strawberry  flavor  " nakangiting  sagot  ko dito.

" Miss Isa  ngang Chocolate flavor"  napakunot naman ang noo ko ng  marinig ang boses nito mukhang familiar  sakin ito agad ko namang tiningnan ito

" Collins??? Hailey? " takang tanong ko dito nag makita ito

" Sam?" sabay  sabay na tanong ng mga ito  sila nga! nagulat naman ako ng niyakap ako ng mga ito ' tagal din naming di nag kita at nag sama simula nung umalis si moji.

" kamusta  kana sam? it's  been a while? " nakangiting tanong sakin ni  Hailey nginitian  ko naman ito at sinabing okay  lang . Nag tawanan naman kami ng mapansin ang kanya kanyang hawak naming ice cream

" mahilig din pala kayo sa ice cream? " natatawang tanong ko dito.

" Nako minsan lang kami kumain ng ice pag wala kami sa mood alam mo na pam pa lamig ng ulo" natatawang  sagot  ni Collins.

" hmm??bakit?? anong nangyare" takang  tanong ko dito sabay subo ng ice cream

"Wala naman" natatawang  sagot ni Hailey  pero tiningnan  ko lang ito na tila di kumbinsido sa sagot nito.

" bad things happened ' na cancel ang malaking project  sana na gagawin ng kumpanya  ko kasama na rin Itong si Collins  pero mukhang di tinanggap ang  proposal  namin" malungkot  na sagot nito
mukhang  malaking  project  nga yun.

" hmm anong  project  ba yun?" takang tanong ko dito'

" Shipping  Company ' gusto naming mag invest ng isang malawakang project sa ibat ibang bansa at yun nga mukhang mahirap maging partner  yung kumpanya  binigyan  namin ng project  proposal ilang taon din namin yung pinag handaan "

"ahhh ' mukhang maganda nga yang project  niyo" nakangiting  sagot ko dito Naalala  ko Shipping  Company  pala ang hawak ko ' kinuha ko naman ang Wallet ko at kumuha  ang business  card ng kumpanya  sabay abot sa mga ito.

"Ito oh subukan niyo magandang kumpanya  yan para sa project  niyo" nakangiting  sagot ko dito sabay abot ng business card  sa mga ito ' kinuha naman ito ni Collins   at tila gulat na gulat  sa nakita nito.

" San mo nakuha to?" takang tanong  ng mga ito'

"Sa grandma  ko bakit?" takang  tanong ko dito.

" GRANDMA????????"sabay sabay na sigaw ng mga ito.

.
.
"0o bakit?"

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now