Lascivious Casanova 40

Start from the beginning
                                    

"Kanina tuloy tuloy ang pagsasalita mo! Bakit hindi ka makasagot ngayon?!"

"Because you are my girlfriend and you want us to talk about other girls! Alam mong hindi maganda ang nakaraan ko sa mga babae kaya bakit kailangan mo pa itong i-open?"

"Ganoon ka rin naman kanina! Gusto mong pag usapan natin si Jayden! Gusto mong pag usapan natin ang ibang lalaki!"

"Because I was jealous! Wala naman kinalaman ang ibang babae rito!"

"Ngayon meron na!"

Galit akong humakbang palapit. Tinulak ko siya ulit. Salitan siyang napatingin sa aking mukha at sa kamay kong tumutulak sa dibdib niya. Umigting ang panga niya sa muli kong pagtulak hanggang sa mapasandal siya sa pinto ng isa sa mga shower cubicle.

"Walang lalabas dito hangga't hindi ka sumasagot!" Sigaw ko at mas malakas siyang itinulak ngayon. Hindi siya lumalaban kaya kahit malaki siyang tao, nakakaya ko siya.

Walang tao sa loob ng shower cubicle na nasa likod niya at papasok sa loob ang pagbukas niyon kaya nang mapasandal siya'y bumukas ang pinto. Napahakbang siya paatras. Napasok siya sa loob at muntik nang matumba nang mawalan ng balanse sa huling malakas kong tulak. Gumawa rin ng ingay ang pinto ng cubicle dahil humampas ito sa dingding na tiles nang kapitan niya. Tiningnan niya ako. Gulantang at medyo galit na ulit ang mga mata niya pero hindi tulad ng kanina. Kanina, galit iyon dahil sa selos. Ngayon, dahil muntik na siyang matumba.

Nagtaas baba ang balikat niya sanhi ng mabilis na paghinga. Nasa loob na siya habang nasa labas pa ako ng cubicle. Napatingin siya sa mga braso ko nang masungit akong humalukipkip. Nasa mukha niyang hindi siya makapaniwala na sa dakong huli'y ako pa itong galit ngayon at pinagtututulak siya.

"Bakit sa akin nagagawa mo ito? Kaninang tinutukso kayo hindi ka makapagsalita? Bakit ang bait bait mo sa iba samantalang ang dali dali sayong tarayan ako?"

"Huwag ka nga mag inarte riyan! Sagutin mo na lang ang tanong ko!"

Kumuyom ang kamao niya. Tumayo siya ng maayos at binato ako ng masamang tingin. Dalawang beses siyang malaking humakbang palabas sa cubicle at tumigil sa harapan ko. Napaatras ako pero hindi ko inalis ang paghalukipkip ng braso ko upang magtapang tapangan sa harapan niya. Nasa gitna na kami ng banyo at malapit na ulit sa pinto na sinasandalan ko kanina. Nakaramdam ako ng kaba nang lumapit siya. Hindi ko nga lang iyon pinahalata. Nakatingala ako habang niyuyuko niya ako.

"Oo! Mas marami nga ang mas maganda sayo!" Tiim bagang na bumaba ang mata niya sa aking katawan. Mula sa katawan ko'y umangat ang tingin niya. Ang ngungulay berde niyang mga mata ay madilim na tinapatan ang masusungit na mata ko. "I've seen many women who are sexier than you! I've seen many women who have better curve than you! Mas malaki ang balakang! Mas malaki ang boobs! Mas mataas ang height! Mas mahaba ang mga hita! Mas makinis! Mas mayaman!"

Nabigla ako sa tuloy tuloy at may diin na sagot niya. Unti unting naghiwalay ang mga labi ko. Napanganga ako habang nakatingala sa kanya. Isang beses ulit ako na napaatras. Hindi ganito ang gusto kong marinig sa kanya! Para niya na akong ininsulto!

Tiningnan ko siya ng masama. Maganda naman ang katawan ko! Hindi rin ako panget! Mas matangkad siya sa akin pero tama lang naman ang height ko! Hindi ako kaputian pero makinis naman! Kahit hindi ako mayaman masaya naman ako sa pamumuhay namin! Pero sa dami ng mga babaeng nakilala niya alam kong ako ang pinaka simple sa lahat at nagsasabi siya ng totoo!

Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya natanto ko na ganoon din siya. Parang... ngayon ko naintindihan ang pinanggalingan ng galit niya at maaaring nararamdaman niya simula pa kanina. Na may mga insecurities siya lalo kapag tungkol sa akin ang pinag uusapan. Kagaya na lang na nakaramdam ako ng insecure dahil sa binanggit niyang katangian ng ibang mga babae ngayon. Bago pa lang kami at hindi pa ganon katatag. Naisip niya siguro na madali pa kaming mapaghiwalay lalo kung nasa harapan ko ang mga katangian ng lalaking gusto ko.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now