Exodus: Prologue

23.6K 512 119
                                    

No part of this literary work may be reproduced in any form without the permission of the writer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

No part of this literary work may be reproduced in any form without the permission of the writer. Plagiarism is a crime!

Genres:
Horror-Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi

-------------------------------------------------------

"Death is no dream,
For in death I'm caressing you.
With the last breath of my soul,
I'll be blessin' you."

-Reszo Seress
---------*---------

Matagal ko nang itinatago ang kuwentong ito sa mahabang panahon. Natatakot kasi ako na kapag nalaman ng iba lalo na ng mga taong mahal ko sa buhay baka mapahamak sila.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Sa tanan kasi ng buhay ko ni minsan hindi pa ako nagsulat ng kuwento o isang nobela.

Sa katunayan kinasusuklaman ko nga ang pagbabasa at pagsusulat noong panahon na estudyante pa lamang ako. Nakakainip, nakakaantok, at sayang sa oras. Kaya ngayon pa lamang humihingi na ako ng pasensya kung may mababasa kayong typhograhical errors. Pero sa tingin ko panahon na talaga upang isiwalat ang kuwentong ito bago pa mahuli ang lahat.

Taong 1999, Abril 30, kami ng mga barkada ko ay napagdesisyunan na mag out of town para mag celebrate. Makalipas kasi ang apat na taon na pagsusunog ng kilay sa kolehiyo ay nakapag tapos na rin kami. Isa sa mga kaibigan ko ay nag suhestiyon na magbakasyon sa Palawan kaso ang daming hindi sumang ayon. Masyado raw malayo at magastos. Yung isa ko naman barkada sinabing magbakasyon na lang sa Cebu kaso nag protesta naman ako. Taga Cebu kasi ako. Dito lang ako sa Maynila nag aral ng kolehiyo maganda kasi ang kalidad ng turo rito kumpara sa amin. Sawang-sawa na ako sa Cebu lahat na ata ng tourist destinations do'n nalibot ko na. May isa naman sa mga kaibigan ko na nagsabing sa probinsya na lang nila mag bakasyon. Sa parteng norte. Sa Isabela. Lahat naman ay sumang-ayon sa mungkahing iyon ng kaibigan namin.

Ngunit isang malaking pagkakamali pala ang pag sang-ayon namin na pumunta at magbalak magbakasyon sa probinsya nila. Ibang landas pala ang tatahakin namin. Landas na minsan hindi pa namin napuntahan sa tanan ng amin mga buhay.

Landas papunta sa Impiyerno? Sa Kawalan? Ewan ko. Ang tanging tumatakbo na lamang sa aking isipan ngayon ay hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epilogue.

Alam mo ba kung bakit walang epilogue?

Dahil sa amin magkakaibigan ako na lamang ang nabubuhay.

Matatapos lamang ang kuwento kapag...

Napatay na nila ako...

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon