Chapter 10

2 0 0
                                    





"Good afternoon po! Hiring po ba kayo ngayon?" I asked the security guard pagpasok ko sa isang kilalang food chain. Nag-iikot kasi ako sa iba't ibang food chains ngayon para magpasa ng resume.


"Pasensya na, ma'am. Hindi raw kami hiring ngayon, e," sabi sa akin ng security guard matapos niyang magtanong.


"Ah, sige po, salamat po!" Sabi ko saka umalis doon. Naghanap muna ako ng mauupuan para makapagpahinga. Kanina pa ko paikot-ikot dito.


I checked my wallet kung magkano nalang ang pera ko. Sakto nalang pala 'to para makauwi ako. Mabuti nalang at may biscuit ako rito pang-meryenda ko.


Halos lahat ng food chains dito ay hindi hiring. May iba naman na hiring kaya nagpapasa ako. Walang kasiguraduhan kung matatanggap ako dahil wala akong experience pero sana palarin. Kailangang-kailangan ko kasi ng pera ngayon.


Naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko habang nagmemeryenda. Nakita kong si Nadz ang tumatawag kaya sinagot ko agad. Miss ko na rin 'to.


"Thalie! Kumusta?" Bati agad ni Nadz sa akin mula sa kabilang linya.


"Hmm, okay naman.." Siguro. Sana.


"Kailan ulit tayo magkikita? Matagal-tagal na rin mula nung nagkita tayo.." Saad ni Nadz.


Sa mga nakaraang linggo, puro paghahanap ng trabaho, aral, at fashion club lang ang inatupag ko. Pinayagan na ako ni Mama na magtrabaho sandali habang naghahanap pa siya ng trabaho na para sakaniya. Ako ang kumilos mag-isa. Mula sa paggawa ng resume hanggang sa paghahanap ng lugar kung saan pwede mag-apply. Walang nakakaalam sa mga inaasikaso ko kung hindi si Mama lang. Hindi alam ni Zoe, Nadz, o ng kahit sino.


Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Hindi ko pa alam, e. Marami kasi akong inaasikaso ngayon. Sorry..." Sabi ko sakaniya.


"Ano ba kasing nangyayari sa'yo? Pwede mo naman sabihin sa akin," diretsahang tanong ni Nadz. Mukhang nakakahalata na siya na may tinatago ako sakaniya. Kabisado ako niyan, e.


"Wala 'to.." Tugon ko sakaniya.


"Lagi namang wala. Puro wala. Para saan yung pagiging kaibigan ko sa'yo? Pagiging magkaibigan natin?" Sabi ni Nadz sa akin. Mukhang napupuno na siya.


"Hindi naman ganoon—"


"Ganoon lang din 'yon! Nagmumukha lang ako ritong tanga, e!" Sigaw ni Nadz saka binaba ang tawag.


Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Siguro pagod na rin siya 'no? Katulad ni Papa, ayaw niya na rin sa akin.


Bakit unti-unti na kong inaayawan ng mga tao ngayon? Nakakapagod ba ko?


Siguro...


Okay lang, kaya ko naman 'to. Hindi ko kailangan ng kahit ano o kahit sino. Kaya ko 'to kahit mag-isa ako.


Nagsimula ang patuloy na pag-agos ng luha ko. Nakakahiya naman 'to nasa public place pa naman ako. Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at sinubukang pakalmahin ang sarili.


"Stop na, Nathalie," sabi ko sa sarili.


Magsisimula na sana ulit akong mag-ikot para makapagpasa ng resume nang nakatanggap ako ng message mula sa Mama ko.


From: Mama

Anak, nawawala si Zoe.


My heart dropped.


When The Sun Set (School Club Series 1)Where stories live. Discover now