Chapter 7

6 0 0
                                    



Nakauwi kami nang ligtas noong gabing iyon. Hinatid niya lang ako sa kanto ng bahay namin kaya hindi rin siya naabutan ng mama ko. Tulog lang ako hanggang sa makauwi kaya wala rin namang nangyari. Nagpaalam lang kami sa isa't isa tapos umuwi nalang din.

"Balitaan mo nalang ako kapag kayo na, ha," sabi sa akin ni Nadz pagkatapos kong i-kwento sa kaniya ang nangyari noong sabado.

"Gaga. Ang gulo niya nga, e. Hindi ko malaman kung gusto niya ko o ano," sabi ko sa kaniya.

Uminom si Nadz ng juice niya saka nagsalita. "Ayaw mo tanungin?" She suggested.

Umiling ako. "Baka i-reject ako," I said.

Tumawa nang sarkastiko si Nadz. "I-reject? Ikaw? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Gusto mo ba isa-isahin ko yung mga ginawa niya para sa'yo?" Sabi ni Nadz.

"Ayoko lang mag-jump into conclusions," I said.

"Edi tanungin mo nga!" Sabi ni Nadz.

Sasagot na sana ako nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko. May tumatawag.

Kinuha ko ito at sinagot. "Hello?" Saad ko.

"Nathalie, nasaan ka na? Papunta na raw dito ang PDC para masukatan na natin sila." Inform sa akin ni ate Dana.

Agad naman akong tumayo ay nagsimulang mag-ayos ng gamit. "Papunta na po. Salamat, ate Dana!" Sabi ko saka binaba ang tawag.

"Aalis na ko. Susukatan daw namin PDC," paalam ko kay Nadz.

"Okay, harot well," sabi sa akin ni Nadz saka binigyan ako ng makahulugang tingin at ngiti.

Tumigil ako sa paglalakad at binigyan siya ng masamang tingin. Tinawanan niya lang ako at pinaalis na kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Napaisip tuloy ako...Should I ask him? Should I ask him kung gusto niya rin ba ako? Naguguluhan ako sa mga galaw niya pero natatakot din ako sa isasagot niya 'pag tinanong ko siya tungkol sa nararamdaman niya. Ang hirap naman nito.

Para akong naglalakad sa isang manipis na lubid. Walang kasiguraduhan kung kailan mapipigtal. Parang anytime pwede akong mahulog. Anytime pwede akong masaktan.

Siguro maghahanap nalang ako ng tamang oras kung kailan ko siya tatanungin. Ihahanda ko muna ang sarili ko sa pwede mangyari.

Pagpasok ko sa room ay sinalubong ako ng nakapilang members ng PDC. Hindi ko na hinanap si Liam dahil kailangan ko na agad sukatan ang ibang dancers. Ibinaba ko lang gamit ko sa isang sulok at kinuha na ang tape measure, notebook, at lapis para masimulan na ang pagsusukat.

"Sleeves, 22," sabi ko saka isinulat ang measurement sa notebook ko.

"Jacket length, 29," I said at sinulat ulit sa notebook ko saka ko binigyan ng go signal ang dancer na pwede na siyang umalis.

Uminom muna ako ng tubig bago ako magtawag ulit. I am wearing a yellow shirt tucked in my black skirt na hanggang taas ng tuhod ko and partenered with my white high cut shoes. Inayos ko rin ang buhok kong naka-bun saka ibinalik ang lapis na nakaipit sa tenga ko.

"Next!" I announced and raised my hand. Pumunta naman ang isang lalaking dancer sa akin. He has an awkward aura. I can't pinpoint it, but I knew something is not right.

I feel...uncomfortable with his presence.

"Hi! Sit down, sir," I said, smiling. I must be professional. He followed my order, so I started measuring his shoulders.

When The Sun Set (School Club Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora