Chapter 5

3 0 0
                                    



Matapos ang ilang mga araw ay mas dumadami lang ang binibigay na gawain sa amin ng mga professors namin. Malapit na rin ang prelims kaya todo handa rin ako. Nag-a-advance review na ako, gumagawa na ng mga reviewers, at unti-unti nang nag-me-memorize para mapaghandaan 'ko ang prelims. Nase-stress ako minsan pero natatapos 'ko naman ang mga gawain 'ko.


Sa bahay..okay naman siguro. Nag-uusap pa rin ang mga magulang 'ko pero mararamdaman mong may hidwaan sa kanila dahil medyo awkward ang pag-uusap nila. Tinatanong din ako ni Zoe kung bakit daw weird mag-usap sina mama't papa pero sinusubukan 'kong gawan nalang ng palusot para hindi na siya mag-alala.


"Good afternoon!" Bati ng isang member ng club sa amin. Nandito ako ngayon sa meeting ng fashion club.


"Puma Dance Crew and our club decided to have a joint meeting for today," panimula ng club officer.


Puma Dance Crew?!


Liam?!


We will meet today?!


Ilang linggo na rin mula noong huli kaming magkita ni Liam. Sa pagkakaalala 'ko, ang last meeting namin ay noong ni-libre 'ko siya ng pagkain. We had no interactions after that. Hindi rin kami nag-cha-chat o nagkakasalubong man lang pagkatapos noon. Wala rin naman kasi kaming pag-uusapan kaya hindi na ako nag-abalang kausapin siya.


Bigla tuloy akong kinabahan. Maayos ba mukha 'ko ngayon?


I'm wearing a white fitted shirt, black trousers, and a pair of white shoes. Naka-bucket hat din ako at dala 'ko ang tote bag 'ko.


"We have to discuss the costume that they'll be wearing on their competition. Tayo ang gagawa ng costume nila so make sure to listen and take notes. Okay ba?" announce sa amin ng isang member.


Nag-agree naman kaming mga members. Mahina pa akong pumalakpak at malawak ang ngiti dahil magtatahi kami. Ang tagal 'kong hinihintay 'to! Hindi kasi ako makapagtahi dahil wala kaming kumpletong supplies ng mga kailangang gamitin sa paggawa ng damit. Kaya matagal na rin mula noong nakagawa talaga ako ng damit. Marami-rami rin ang ginagawa 'ko sa bahay at sa school kaya nawawalan ako ng oras.


Nakaka-excite naman 'to!


"Hintayin nalang natin yung PDC. Five minutes or less nandito na sila." announce sa amin.


Kinuha 'ko ang pocket mirror 'ko para mag-ayos. Naka-low bun ang buhok 'ko ngayon dahil mainit at ayoko namang dumikit ang mga hibla ng buhok 'ko sa pawis 'ko. I applied my favorite liptint para hindi ako magmukhang maputla. I also took few strands of my hair at iniwan ang mga 'yon nang nakalaylay to add spice to my hairstyle.


"Nandito na sila. Settle yourselves, everyone," announce sa amin. Mabilis 'kong tinago ang pocket mirror 'ko at inayos ang upo nang marinig ang pagbukas ng pinto.


Liam was the first one to enter. He looked stunning and his cheeks were a bit red baka dahil sa init. He's wearing an all black outfit. Black oversized shirt, black joggers, and black shoes. Sumunod naman ang mga kasama niya. Mga lima yata silang um-attend para sa meeting na 'to.

When The Sun Set (School Club Series 1)Where stories live. Discover now