Chapter 6

3 0 0
                                    



"Mauna na po ako!" Sigaw ko kay mama na tinanguan niya naman.


Sunod akong lumapit kay Zoe at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Tutulong kay mama, ha?" Bilin ko saka pinatakan ng halik ang noo niya.


Nagsimula akong maglakad papunta sa labas ng subdivision namin. I am wearing a white oversized shirt, denim shorts, partenered with my white shoes. Nag-ponytail na rin ako at nagsuot ng black cap dahil ayokong maging malagkit ang pakiramdam ko kapag pinagpawisan. I also checked my black sling bag kung nandito na ang mga kailangan ko as I continued walking.


Saturday ngayon at napagdesisyunan ng fashion club na bumili ng materials para sa costume ng PDC. Mayroon naman kaming sapat na pondo para makabili ng mga kakailanganin namin sa pagtatahi. Next friday pa naman magsusukatan pero ngayon na kami bibili para hindi kami makulangan sa oras. Malapit na rin kasi mag-prelims kaya pinaghahandaan na agad namin ito.


Napatigil ako sa paglalakad nang maaninag ko si papa na pauwi palang. "Pa, ngayon ka palang po uuwi?" Tanong ko. Umaga na, bakit ngayon lang?


"Ah, nag-iikot lang, nak," sagot niya sa akin. Halata ang lalim ng eyebags niya at ang pagod sa kaniyang mukha. Hinayaan ko nalang dahil baka may rason siya kaya siya nagsisinungaling sa akin.


Tumango nalang ako. "Sige po. Tutuloy na po ako," at nagpatuloy sa paglalakad.


Oh my gosh, Nathalie. Stop overthinking.


Everytime there is a minor situation, I would always overthink it. Hindi ko alam kung bakit pero my mind would just give me random conclusions and ideas. Kapag may bago na nangyayari, feeling ko may mali na agad. Kapag may napansin akong kakaiba, paghihinalaan ko agad. I hate that my mind does this every single time. I hate it so much honestly. I hate that I can't control my mind from overthinking.


"Nathalie, sakay na," aya sa akin ni ate Dana, isa sa mga officer ng fashion club.


Pumasok ako sa sasakyan at umupo sa pwesto kung saan katabi ko ang bintana. Sasakyan 'to ni ate Dana dahil nag-volunteer siya na gamitin nalang yung sasakyan niya para mas makatipid kami. Kaunti lang din naman kaming nag-volunteer na sumama kaya nagkasya kami sa iisang sasakyan.


Nang nagsimula na magpaandar ang sasakyan ay may isang miyembro namin ang biglang nahilo.


"Pwede paki-open ng bintana? Nahihilo kasi ako, e." Request niya sa amin kaya binuksan ko ang bintana. Usok ang unang bumuga sa mukha ko pero nang tumagal ay hangin na.


Dumungaw ako nang kaunti sa bintana. Ang simoy ng hangin, paggalaw ng mga sasakyan, at ang modernong tanawin ang mga naabutan ko. Napaisip tuloy ako..


Ano kaya ang mundo noon? Mundo kung saan wala pang teknolohiya, baro't saya pa ang suot ng mga kababaihan, at wala pang matataas na gusali ang naipapatayo. Masaya kaya noon? Pakiramdam ko masaya at mahirap. Mahirap dahil hindi pa tayo nakalalaya noon mula sa mga Kastila. Mahirap dahil naroon parin ang diskriminsayon sa mga Pilipino. Mahirap dahil hindi pantay ang tingin sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan.

When The Sun Set (School Club Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon