Chapter 9

5 0 0
                                    



Wala akong narinig na sagot mula kay Mama. Baka nasa taas siya kaya lumingon-lingon muna ako. Napansin ko na parang may kakaiba sa bahay. Bakit parang may kulang?


"Zoe!" Tawag ko nang makita ko siyang bumaba ng hagdan.


Zoe...looks unaware. Mukhang wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi ko rin naman alam kung anong nangyayari pero mas walang alam si Zoe sa nangyayari sa pamilya namin. Tatanungin ko dapat siya pero nangibabaw ang pag-aalala ko sa kaniya. Ayokong masyado siyang nag-aalala sa gastusin sa bahay. I want her to enjoy her life as a kid.


Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. I stared at her. "Love you," I said. Nakatingala lang siya sa akin saka tinignan ang mga mata ko.


"I love you too!" sabi niya sa akin saka niyakap ako. My baby knows me too well. Hindi ko yata kakayanin kung wala siya sa tabi ko. Energy booster ko 'to, eh.


Inutusan ko na si Zoe na umakyat sa kwarto namin para makagawa na siya ng assignment niya. Habang ako, nagtititingin pa sa first floor namin. Aakyat na sana ako sa kwarto nang may napansin ako.


Yung tv...


Nasaan yung tv namin?


"Mama!" I said habang kumakatok sa pinto sa kwarto nila ni Papa. Ilang katok ang ginawa ko saka ko nabuksan ang pinto. I saw her phone on her ears na para bang may kino-contact siya. Alam ko ring stressed na siya kahit nakatalikod siya.


"Ma," tawag ko muli sakaniya. Narinig niya 'yon kaya napababa siya ng phone at humarap sa'kin.


"Ano pong nangyayari?" Tanong ko.


Umiling siya. "Wala. Wala 'to, anak. Gagawan ko ng paraan 'to, ha?" Sabi niya sa akin pero hindi parin ako nagpatinag.


"Ma naman...Kung may maitutulong ako, pwede niyo namang sabihin sakin..." sabi ko. Nakikita ko na kasi silang nahihirapan pero ayaw nilang magsabi. Ayoko naman nang gano'n.


"Oo, 'nak, alam ko. Huwag kang mag-alala, ha?" Sabi niya sa akin. Umalis na ako ng kwarto pagkatapos noon.


Hindi ko talaga maiwasang mag-overthink. Laging sinasabi ni Mama na walang nangyayari pero naririnig ko ang awayan nilang dalawa ni Papa. Ramdam ko na may ibang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Alam ko na may mali pero ayaw nila sabihin.


Gusto kong makatulong. Alam ko namang financial problems talaga ang problema namin kaya gusto kong nakakapag-ipon man lang para hindi na ako nanghihingi sa kanila.


Sinalpak ni Nadz yung manok sa bibig ko nang mapansin na tulala ako.


"TAWNGINAWMOW!" Sigaw ko habang puno ng manok yung bibig ko. Ilagay ba naman yung manok sa bibig ko? Tapos isang buo pa?


When The Sun Set (School Club Series 1)Where stories live. Discover now