==========================================


Day 356

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.

Mateo 5:3 MBB05




English:

"God blesses those who are poor and realize their need for him,
for the Kingdom of Heaven is theirs.

Matthew 5:3 NIV




***********

Ang puso ng ating Panginoon ay nasa mga taong walang inaasahan kundi tanging sa Kanya lamang. Anumang hirap ang nararanasan niyang hirap ay hindi siya natitigatig ni nawawalan ng pag-asa sa ating Panginoon. Ang katulad ng taong ito ay may gantimpala mula sa ating Panginoon. Katulad ng kinahinatnan ni Lazaro at ng mayaman: 


Ang Lalaking Mayaman at si Lazaro

19 May isang lalaking mayaman. Nakadamit siya ng kulay ube at pinong lino. Namumuhay siya sa karangyaan araw-araw.

20 Mayroon doong isang lalaking dukha na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay puno ng galis. Inilagay siya sa tarangkahan ng mayaman. 21 Mahigpit niyang hinangad na mabusog mula sa mga mumong nahulog mula sa hapag-kainan ng mayamang lalaki. Ngunit maging ang mga aso na lumalapit ay humihimod ng kaniyang mga galis.

22 Nangyari nga na ang lalaking dukha ay namatay. Siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Ang lalaking mayaman ay namatay din at inilibing. 23 Sa Hades siya ay naghihirap. Sa paghihirap niya ay itinanaw niya ang kaniyang paningin. Nakita niya sa malayo si Abraham at si Lazaro na nasa kaniyang piling. 24 Tumawag siya nang malakas: Amang Abraham, kahabagan mo ako. Suguin mo si Lazaro upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig. Ito ay upang mapalamig ang aking dila sapagkat ako ay lubhang nagdurusa sa lagablab ng apoy na ito.

25 Ngunit sinabi ni Abraham: Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo tinanggap mo nang lubos ang mabubuting bagay. Gayundin naman, si Lazaro ay tumanggap ng mga masasamang bagay. Sa ngayon siya ay inaaliw at ikaw ay lubhang nagdurusa. 26 Bukod sa lahat ng mga bagay na ito, sa pagitan namin at sa iyo ay mayroong malaking bangin. Dahil dito, sila na maghahangad na tumawid mula rito patungo sa iyo ay hindi makakatawid. Maging sila na maghahangad tumawid mula riyan patungo sa amin ay hindi makatatawid.

27 Sinabi niya: Kung gayon, hinihiling ko sa iyo ama, na suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama. 28 Ito ay sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki. Suguin mo siya upang magbabala sa kanila nang sa gayon ay huwag silang mapunta sa dakong ito ng pagdurusa.

29 Sinabi ni Abraham sa kaniya: Ang isinulat ni Moises at ng mga propeta ay nasa kanila. Hayaan mong sila ay makinig sa kanila.

30 Sinabi niya: Hindi, amang Abraham, sila ay magsisisi kapag pupunta sa kanila ang isang nagmula sa mga patay.

31 Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.

 - Lucas 16:19-31 SND

 ______________________ 


Ang buhay natin sa mundong ito ay pansamantala lamang hindi tayo dito panghabangbuhay. Kaya't anumang hirap ang ating danasin basta't sa Panginoon lamang tayo umaasa at nagtitiwalang lubos gayundin ang pagsunod sa Kanyang kalooban hindi tayo mapapahamak bagkus buhay na walang hanggan ang magiging gantimpalang kaloob Niya sa bawat isa sa atin na sa Panginoon lamang umaasa. 

#GodBlessUs😇❤

#day356 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways


365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now