Day 11 & 12

148 8 0
                                    

Day 11

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad. 

Mga Kawikaan 16:9 MBB05



English:

In their hearts humans plan their course, but the Lord establishes their steps.

Proverbs 16:9 NIV


 ***** 


Lahat tayo ay may mga plano na binabalak sa ating buhay ngunit ganun pa man tanging ang Panginoon lamang ang Siyang may kakayahan na magtutupad nito. Kahit na anong balak natin kung hindi ito ang kalooban ng Diyos, hindi ito mangyayari. 

Kaya't ating ipagkatiwala ang lahat ng mga pinaplano o binabalak natin sa ating buhay at hayaang ang kalooban ng ating Panginoong Diyos ang Siyang mahayag sa bawat isa sa atin. 

#GodBlessUs 😇❤#day11 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe


===============================


Day 12

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo." 

Mateo 11:28‭-‬30 MBB05 




English:

28 "Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. 29 Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls.

Matthew 11:28-29 NIV



 ***** 

 Kung tayo man ay may mga pasanin o dalahin sa buhay ay atin itong ilapit sa ating Panginoon at Kanya tayong tutulungan. Tayo'y bibigyan Niya ng kapahingahan. Ating sundin ang Kanyang mga utos at turo upang sagayon tayo ay matuto mula sa Kanya dahil Siya ay mabait at may mababang loob. 

Kaya't sa Panginoon lamang natin makakamtan ang kapahingahan sapagkat magaan lamang ang Kanyang ibibigay na pasanin sa atin. Sapagkat ang Panginoon ang Siyang magdadala ng bigat ng ating mga pasanin. 

 #GodBlessUs😇❤#day12❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now