Day 91 & 92

45 2 0
                                    

Day 91

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. 

Mga Hebreo 12:2‭-‬3 MBB05





English:

2 fixing our eyes on Jesus, the pioneer and perfecter of faith. For the joy set before him he

endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God.

3 Consider him who endured such opposition from sinners, so that you will not grow weary

and lose heart.


Hebrews 12:2-3 NIV




******

Ating pag-ukulang pansin at pagtuunan ang mga sakripisyo sa atin ng ating Panginoong Hesus. Ang buhay Niya dito sa lupa ang Siyang patotoo sa atin ng matuwid na pamumuhay na lubos na kinalulugdan ng Diyos. Ating isaalang-alang ang labis na pagmamahal at sakripisyo Niya (Hesus) sa atin upang tayo ay matubos sa ating mga kasalanan doon sa bundok ng kalbaryo ng maipako Siya sa Krus.

Pinagdusahan ng Panginoong Hesus ang mga kasalanan na hindi naman Niya ginawa ngunit dahil sa labis na pagmamahal Niya sa atin, isinakripisyo Niya ang Kanyang buhay upang maligtas lamang, ikaw at ako sa lahat ng ating mga kasalanan.Kaya't buong puso natin Siyang panaligan at panampalatayaan bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas. Sapagkat sa Kanya lamang natin makakamtan ang kaligtasan at buhay na walang hanggan.

#GodBlessUs😇❤

#day91 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe


===================================


Day 92

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. 

Mga Taga-Roma 5:8




English:

But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us.

Romans 5:8 NIV




******

Tayong lahat ay karapat dapat sa kaparusahan ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan. Ngunit dahil sa wagas na pag-ibig ng Diyos sa atin, inialay Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus. Iniaako ng Panginoong Hesus ang mga kasalanan na dapat ay tayo ang nagbabayad ng Siya ay mapako sa Krus. Siya ang kapalit natin upang tayo ay maligtas, ito ay hindi lingid pa sa ating lahat sapagkat tayo ay nabubulag pa ng sanlibutan. Hindi tayo nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.


Dahil sa Kanyang pagkamatay ay nagkaroon tayo ng pag-asa na tayo ay maliligtas, sa pamamagitan ng pananalig at pananampalataya natin sa ating Panginoong Hesus. Siya ang naging daan upang tayo ay maligtas at hindi mapahamak. Dahil sa Panginoong Hesus tayo ay may pag-asa na magkaroon ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Atin lamang Siyang tanggapin at kilalanin bilang Diyos at tagapagligtas.

#GodBlessUs😇❤

#day92 ❤

#toGodbetheglory

#KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon