Day 195 & 196

29 2 2
                                    

Day 195

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. 

Mga Awit 9:10 MBB05




English:

Those who know your name trust in you,
for you, Lord, have never forsaken those who seek you.

Psalm 9:10 NIV




*******

Ang lahat ng mga nanalig sa ating Panginoong Diyos ay kinikilala Siya bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas. Siya lamang ang tanging inaasahan, dumaan man sa unos ng buhay makakaasa tayong hindi Niya tayo pababayaan.

Kailanman ay hindi Niya tinatanggihan ang mga taong lumalapit sa Kanya. Batid Niya ang lahat ng ating mga pinagdadaanan. Manangan lamang tayo sa Kanyang banal na Pangalan at atin Siyang panaligan at pagkatiwalaan. Hinding hindi Niya tayo pababayaan.

#GodBlessUs😇❤

#day195 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


=================================


Day 196

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.

Mga Awit 42:11 MBB05




English:

Why, my soul, are you downcast?

Why so disturbed within me?

Put your hope in God,

for I will yet praise him,

my Savior and my God.


Psalm 42:11 NIV





*******

Lahat tayo nakakaramdan ng lungkot, takot at kapighatian sapagkat tayo ay tao lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay pinapawi ng mga taong sa Panginoon ay nagtitiwalang lubos. Lahat ng mga bagay at pangyayari ay may kadahilanan.

Kaya't marami pa rin tayong mga dahilan upang makapagpasalamat sa ating Panginoon. Mapupuno ang puso natin ng pasasalamat sa Kanya. Sapagkat hindi lamang sa oras ng kasayahan o kaligayahan sa buhay natin dapat pasalamatan ang ating Panginoon kundi maging sa panahon man ng pagsubok sa buhay.

Kaya't magpatuloy tayo sa pagiging matatag at magtiwala ng lubusan sa ating Pangoinoong Diyos. Sa Kanya tayo humugit ng kalakasan ng kalooban at katatagan sa buhay sapagkat kahit kailnman hindi Niya tayo bibiguin. Iniingatan at ginagabayan Niya ng mga taong buong pusong sa Kanya lamang umaasa ng lubusan.

#GodBlessUs😇❤

#day196 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now