Day 199
Tagalog:
Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.
Mga Kawikaan 18:10 MBB05
English:
The name of the Lord is a fortified tower;
the righteous run to it and are safe.
Proverbs 18:10 NIV
*******
Walang ibang ngalan ang Siyang matibay nating tanggulan kung hindi ang Paginoong Diyos lamang. Anuman ang sitwasyon ng ating buhay may katiyakan tayong ang pag-iingat at paggabay Niya sa atin ay ating makakamtan. Ang Panginoong Diyos lamang ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang Siyang may kakayahan na makatulong sa ating buhay anuman ang ating sitwasyon. Ang mga taong matuwid ay iniingatan at ginagabayan ng Diyos, sasakanya ang presensya ng ating Diyos habang siya ay nabubuhay sa mundong ito.
#GodBlessUs😇❤
#day199 ❤
#toGodbetheglory
#keepussafealways
=================================
Day 200
Tagalog:
Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
Mga Awit 56:3-4 MBB05
English:
3 When I am afraid, I put my trust in you.
4 In God, whose word I praise—
in God I trust and am not afraid.
What can mere mortals do to me?
Psalm 56:3-4
********
Magtiwala tayo sa Panginoon. Anuman ang sitwasyon ng ating buhay patuloy tayong umasa sa Kanyang mga pangako. Sa Panginoon lamang natin masusumpungan ang kapayapaang inaasam. Mabigat man ang ating mga pinagdadaanan kapag kasama natin Siya hindi tayo mangangamba. Sapagkat tayo ay lubos na nagtitiwala at nanalig sa ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat. Kaya't maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat at magpuri sa Kanya. Dakilang tunay ang Diyos at tapat sa Kanyang mga pangako. Tayo ay manangal lamang ng buong puso't isipan at pagkatiwalaan Siyang lubusan.
#GodBlessUs
#day200
#toGodbetheglory
#keepussafealways
YOU ARE READING
365 Days || Bible Verses (2021)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope that we grow together with the help of our Almighty God. Thank you! God Bless...