Day 301 & Day 302

33 0 0
                                    

Day 301

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ayon sa kasulatan, "Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak, ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman." At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo. 

1 Pedro 1:24‭-‬25 MBB05



English:

24 For,

"All people are like grass,
and all their glory is like the flowers of the field;
the grass withers and the flowers fall,
25 but the word of the Lord endures forever."[]

And this is the word that was preached to you.

1 Peter 1:24-25 NIV



************

Tayo'ng mga tao ay may kanya-kanyang panahon ng pagsilang, pagsibol sa kamusmusan, kabataan, katandaan at maging panahon ng paglisan. Iba't-ibang panahon ng pagdating, at paglisan. Para sa ating mga tao, tayo ay may hangganan. Hindi tayo permanente sa mundong ito. 

Kahit gaano pa kaganda ang taglay nating kagandahana o kakisigan ito ay mapapawi sa paglipas ng panahon. Tayo'y katulad ng isang bulaklak na umuusbong sa karikitan ngunit unti-unti ring malalanta at ang angking ganda ay kumukupas.

Ngunit ang mga salita ng Diyos ay hindi nagbabago, magbago man ang panahon at henerasyon. Darating ang panahon na mawawala ang mundong ito ng parang bula ngunit ang mga salita ng Diyos kailanman ay hindi maglalaho. Mananatili ang Kanyang salita magpakailanman.

Ang lahat ng mga nanatili sa salita ng Diyos ay hindi mapapahamak kailanman. Igagawad sa atin ang Kanyang mga panagakong buhay na walang hanggan. Sa piling ng ating Panginoon ay may kapayapaan at ginhawang makakamtan na hindi kayang ibigay ng mundong ito.

#GodBlessUs😇❤

#day301 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


===================================


Day 302

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? 

Santiago 2:20 MBB05



English:

How foolish! Can't you see that faith without good deeds is useless?

James 2:20 NLT




**********

Ang pananampalataya na walang kasamang paggawa ay patay? Bakit nga ba? Sabihin na natin na tayo ay nanampalataya sa ating Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat ngunit hindi naman natin sinusunod ang Kanyang mga utos at aral, magiging walang kabuluhan ang ating pananampataya sa Kanya. Hindi nakikita sa ating pamumuhay ang pananampalatayang meron tayo sa Panginoon sapagkat kung tayo ay nananampalatayang tunay, hindi tayo mangangamba at hindi tayo manghihina sa panahon ng pagsubok. Maipapakita natin ang paggawa ng mabuti hindi lamang para sa ating sarili kundi maging sa ating kapwa din.

Mamumuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos. Kaya't maging patotoo sa ating buhay ang pananampalatayang meron tayo sa ating Panginoong Hesus. Maging matibay at matatag sa panahon ng pagsubok, gumawa ng mabuti at sundin ang mga utos at aral ng ating Panginoong Hesus, sagayon ay maipapakita natin na ang pananampalatayang meron tayo ay sa ating Panginoon ay totoo at tapat.

#GodBlessUs😇❤

#day302 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now