Day 45 & 46

66 4 0
                                    

Day 45

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. At nawa'y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo'y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos. 

Mga Taga-Efeso 3:18‭-‬19 MBB05 



English:

18 And may you have the power to understand, as all God's people should, how wide, how long, how high, and how deep his love is. 19 May you experience the love of Christ, though it is too great to understand fully. Then you will be made complete with all the fullness of life and power that comes from God.

Ephesians 3:18-19 NLT



 ****** 

 Ang pagmamahal sa ating ng Diyos ay higit pa sa ating inaakala. Pagmamahal na hindi katulad ng pagmamahal nating mga tao na nakadepende sa ugali ng tao na ating minamahal at nakadepende rin sa mga taong nakakasalamuha. 

 Kaya't kung tayo ay nasa piling ng ating Panginoon mararanasan natin ang kanyang di masukat at matarok na kaunawaan na pagmamahal sa atin ng Diyos. Tanging ang Diyos lamang ang higit na nagmamahal sa atin ng totoo at tapat. Kahit kailanman ay hindi tayo mabibigo sa Kanyang pagmamahal sa atin. 

 Tayo man na mga tao ay madalas na tumatalikod at kinalilimutan Siya ngunit ang Diyos, kahit kailanman ay hindi nakalimot ni talikuran man ang pagmamahal sa atin na mga anak Niya. 

 #GodBlessUs😇❤#day45 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe

=================================


Day 46

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay? 

Mga Taga-Roma 8:31‭-‬32 MBB05 



English:

31 What, then, shall we say in response to these things? If God is for us, who can be against us? 32 He who did not spare his own Son, but gave him up for us all—how will he not also, along with him, graciously give us all things?

Romans 8:31-32 NIV


 ****** 

 Lahat tayo ay araw araw na humaharap sa iba't-ibang hamon ng buhay. Iba't-iba man ang kalagayan natin sa buhay ngunit pare-pareho tayong dumaranas ng mga pagsubok. Mga pasubok na ibinigay sa atin ayon sa ating kakayahan. Wala tayong hindi kayang gawin kung tayo ay nasa panig ng ating Panginoon. 

 Hindi Niya tayo pababayaan na humarap sa mga pagsubok na hindi natin kaya o maging sa mga taong nagpupukol sa atin ng kasamaan. Sapagkat itong talatang ito ay isa sa pinaka nakakapagpalakas ng ating kalooban at nagpapatunay ng mga patotoo sa salita ng Diyos. Sapagkat maging ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus ay ipinagkaloob Niya sa atin upang maipagkaloob sa atin ang kaligtasan. 

 Kaya't walang makapagpapahinto sa ating Ama na nasa langit sa Kanyang pagmamahal sa atin, ni alinman sa mga panahon na sa tingin natin ay iniwan na Niya tayo. Ang ating kaligtasan ay ganap, ganap na ligtas dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig. Kaya't buong puso tayong magtiwala at manangan sa panig ng ating Diyos at walang bagay ni sinuman ang magiging laban sa atin. 

 #GodBlessUs😇❤ #day46 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now