Day 101 &102

43 3 0
                                    

Day 101

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya't lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. 

Mga Hebreo 13:15 MBB05 




English:

Through Jesus, therefore, let us continually offer to God a sacrifice of praise—the fruit of lips that openly profess his name.

Hebrews 13:15 NIV




 ******

Marapat lamang na ating mapurihan at maidakila ang ating Panginoon Diyos sapagkat tunay ngang napakabuti Niya. Pag-ibig Niyang tunay at walang kapantay. Lahat ay ipinagkakaloob Niya sa atin. Sapagkat ang handog sa atin ng Diyos sa atin ay kaligtasan na buhay na walang hanggan ng ipagkaloob Niya ang Kanyng bugtong na anak na si Hesus na Siyang nagtubos sa ating mga kasalanan. Kaya't huwag tayong magsawang magpuri at magpasalamat sa Diyos sapagkat napakalaki ng Kanyang pagmamahal para sa bawat isa sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day101 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


==================================


Day 102

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Pagkat ang aral na ito sa iyo ay patnubay, sa pagtulog mo ay bantay, sa paggawa ay alalay. Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw, at daan ng buhay itong mga saway.

Mga Kawikaan 6:22‭-‬23 MBB05




English:

22 When you walk, they will guide you;

when you sleep, they will watch over you;

when you awake, they will speak to you.

23 For this command is a lamp,

this teaching is a light,

and correction and instruction

are the way to life,

Proverbs 6:22-23 NIV



*****

May mga bagay tayong mga tao na kadalasan ay sarili lamang natin ang ating sinusunod, kaya't madalas tayo ay nabibigo. Ngunit kung ating pagbubulay bulayan ang mga aral at turo ng Diyos ay hindi tayo mapapahamak at magkakaroon tayo ng payapang puso't isipan.

Sapagkat ang Panginoong Diyos ang Siya nating gabay, kanlungan at tanglaw natin sa buhay. Siya rin ang nagtutuwid sa atin kung tauo man ay mga nagkakamali at nagkakasala. Maaring hindi natin nakikita ang mga bagay na magaganda na Kanyang ipinagkakaloob. Dahil natatakpan ng mga negatibong bagay ang Kanyang mga biyayang ibinibigay sa atin.

Ngunit ganun pa man ay atin nawang buksan ang ating puso't isipan upang makita natin ang pagmamahal at pagmamalaskit Niya sa atin. Walang hindi ibinigay sa atin ang Diyos na ating ikasasama bagkus ay kapakanan at pag-iingat sa atin ang Kanyang mga hangarin.

#GodBlessUs😇❤

#day102 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now