Day 131 & 132

40 1 0
                                    

Day 131

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin. 

Jeremias 29:13 MBB05



English:

You will seek me and find me when you seek me with all your heart.

Jeremiah 29:13 NIV





********

Ang Panginoon ay nandyan lang palagi sa ating tabi ngunit ng dahil sa kasalanan tayo ay nalalayo sa Kanya. Ngunit kung tayo ay babalik sa Kanya at hahanapin Siya ng buong puso atin Siyang masusumpungan. 

Hindi mahirap hanapin ang Diyos, hinihintay Niya lamang tayo, Kung buong puso natin Siyang hahanapin. Sapagkat nalalaman ng Diyos kung atin Siyang pinapahalagahan, lalo't higit ang relasyon natin sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day131 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


==================================


Day 132

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan. 

Mga Awit 147:3 MBB05



English:

He heals the brokenhearted and binds up their wounds.

Psalm 147:3 NIV




******

Sa mga panahong tayo ay dumaraan sa iba't-ibng uri ng pagkabigo, 'wag tayong mag-alinlangan na lumapit sa ating Panginoon. Anuman ang ating natamong pagkabigo, mag-iwan man ito ng sugat ay Kanyang paghihilumin at pagagalingin. Tutulungan Niya tayong bumangon mula sa ating pagkakalugmok.

Maaring mahirap at hindi talaga kakayanin kung atin lamang itong sasarilinin. Ngunit kung ito ay ating ihihingi ng tulong at ilalapit natin sa Kanya, anumang sakit o kapighatian na ating nadarama ay Kanyang papawiin. Bibigyan Niya tayo ng kalakasan upang magpatuloy.

Kaya't huwag na tayong mag-alinlangan pa sa Kanya, pagtiwalaan natin Siya at hayaan na kumilos sa ating buhay. Magpatuloy tayo at sikaping makausad sa tulong at gabay ng ating Panginoon. Na Siyang nagbibigay ng kalakasan at upang magbigay kagalingan sa pusong nawasak.

#GodBlessUs😇❤

#day132 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now