" moji?? gutom kana ba?"malabing na tanong ko dito nginitian lang ako nito sabay laro sa mga teddy bear na hawak nito maya maya ay natapos na rin ako sa pag luluto binuhat ko na rin si moji para pakainin ito'aliw na aliw naman itong kumain kasabay ko'Napangiti naman ako habang minamasdan itong kumain. Ang swerte ng batang ito ang babait at mahal na mahal ito ng mga daddys nito naalala  ko nanaman mga VVIP namin di ako maka paniwala na makikilala ko ng personal  ang mga ito.

Maya maya ayy natapos na kami ni moji kumain kaya naisipan ko na manood muna kami ng movie buti nalang mahilig ako sa cartoons kaya di rin ako nahirapan  pang mag hanap ng pwede maipanood para kay moji mukhang mag kakasundo ata kami nitong batang ito sa papanoorin. Bata palang ako mahilig nako manood ng Cartoons mahilig din ako mag basa ng mga libro kayat minsan pag may extra pera ako pumupunta ako sa mga book store at bibili ako ng mga libro minsan sa sobrang hilig ko sa mga libro binibili ko lang ito at tinatago minsan mas gugustuhin ko pa itong itago kesa basahin.

Diko na napansin na nakatulog na pala si moji sa tabi ko di na rin namin namalayan ang oras .Dahan dahan ko namam itong pinahiga at kinumutan mukhang maaga ata itong nagising para lang pumunta dito sa apartment ko' hinayaan ko na rin muna itong matulog at nag ayos na rin ako ng iilang gamit ko sa appartment simula pag gising ko diko pa pala na aayos ang kama ko dali dali ko naman niligpit ito maya maya pa ayy may natanggap akong tawag  unknown number una nag dadalawang isip akong sagutin ito pero nung pangalawang tawag nito sinagot ko na rin ito si Collins ang tumawag di nako nag taka kung pano nakuha nito ang  number ko sa dami ba namang source nito mag tataka pako.Kinamusta naman nito si moji sinabi ko naman na okay lang naman ito at nakatulog na rin dahil sa kakalaro nito niyaya naman ako nito na dahil ko si moji sa isang Building  na alam kung malapit lng ito sa hotel na pinag tratrabahoan ko dun ko na lang raw dadalhin si moji dahil busy pa rin ito gawa ng mga meeting nito at wala ng time para pumunta pa dito sa appartment  ko kaya bilang mabuting employee  nito ' sumangayun naman ako dito. Agad naman akong naligo at nag ayos  ngayon na isipan kong mag suot ng black jeans white shoes  at white sleeveless at partner ng black sling bag na regalo sakin nung birthday  ko nag lagay na rin  ako ng lipstick at konting  blush on para di gaano ma putla ang mukha ko sa sobrang puti ko kasi halos di mo makakaila na may dugo pa ba ako or wala . Nilugay ko na rin ang buhok ko mahaba ang buhok ko at iba ang kulay nito medyo curly  rin ito sa dulo na mas lalong bumagay sakin.Agad ko namang tiningnan si moji sa sala  mukhang  ka gigising lang nito'

"Hello moji halika aalis tayo ni mommy  pupuntahan natin si sila daddy " nakangiting sabi ko dito inayos ko na rin ang suot nito mukhang  ang bata palang  pero ang lakas na ng dating ' naka white shirt at army green pants  ito at black shoes na mas lalong nag pa cute pa dito.Binuhat ko naman ito palabas ng appartment mag aalas tress na rin pala ng hapon at oras na ng trabaho ko pero sabi nga ni Collins siya nang bahala kay sir jack syempre sa boss ko ako makikinig .
Nag para na rin ako ng taxi papunta sa Building kung saan ko ihahatid si moji' mga ilang minuto  lang ang layo nito sa appartment .Tiningnan  ko naman si moji at mukhang excited  na ito makita ang mga daddy nito ang swerte  naman ng batang ito dalawa ang daddy.

" mommy look" nakangiti naman itong inabot sakin ang laruan na hawak nito napangiwi naman ako ng makita ito isang maliit na baboy na kasing laki lang ng isang daliri ko'bigay sakin to ni Alli nung unang beses kami gumala sa park pano naman napunta to kay moji kukunin ko sana to ng biglang huminto ang taxi na sinasakyan namin sinyales na nandito na kami. Agad na rin ako nag bayad  at binuhat na rin si moji pababa' hinawakan ko naman sa kamay ito at napatingin  naman ako sa harap nitong building  namangha naman ako sa laki at ganda ng Building nito may naka lagay na pangalan  sa harap at mukha ito na nga yung sinasabi ni Collins

"Huffin Corporation."mahinang bigas ko dito namangha naman ako sa laki at taas nitong gusali halos di ko na makita ang pinaka tutuk nito sa sobrang taas.Gold and Silver ang kulay nito sa labas at pinalilibutan na rin ito ng buong  salamin agad ko naman hinigpitan ang pag kakahawak ko sa kamay ni moji at nag lakad na rin papasok ng building kung malulula ka sa labas mas lalo ka malulula sa loob lahat ng gamit halos ginto at silver mapa pader or sahig nito  agad naman akong tumungo sa Front desk  nitong building .

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now