.....

Palabas na kami ngayon ni Alli sa hotel dahil kakatapos lng ng shift namin at ayun di rin ako nag sisi dahil binigyan kami ng malaking tip ng manager namin bago kami umuwi sakto may paunang bayad nako sa appartment ko' nag pa alam na rin sakin si Alli na mauuna na siyang umuwi at ito ako ngayon nag aantay ng bus papunta sa appartment ko medyo malapit lang ito at isang sakay nalang at makakarating nako ng appartment agad naman akong umakyat ng bus at sa halip na matuwa ako dahil pa uwi nako naalala ko rush hour na pala ganitong oras at maraming umuuwi kaya ito ako ngayon nakatayo hanggang sa makauwi' halos lahat ng upuan may naka upo na at iilan na rin ang nakatayo kaya wala nakong oras para mag antay ulit ng panibagong bus kaya ito ako ngayon nakatayo di alintana ang sakit sa paa dulot ng sugat .Mga ilang minuto huminto na rin ang bus sa tapat ng appartment ko 'dali dali naman akong pumasok at walang ano ano humiga sa kama di nako nag atubili pang mag palit ng damit dahil na rin sa antok at pagod iilang oras nalang at shift ko na ulit.

...............

"Sir baka pwede na po akong umuwi umaga na po diba night shift ako"pag mamakaawa ko sa manager namin halos tatanghaliin nako dito sa Cafe'shop pero ayaw pa rin ako pauwiin ng manager namin.

" No!continue ka ngayon bukas kahit anong oras kana pumasok anong gagawin mo jan eh ayaw ka nga paalisin eh ayaw nga sakin lumapit ikaw lang ang gusto niyan kaya ikaw nang bahala jan okay!" mataray na sagot nito sakin sabay alis nito, inis ko namang sinuot ulit ang apron ko sabay upo.

" mommy......mommy..."

"Hindi nga ako mommy mo san ba magulang mo bat kasi iniwan ka dito kay liit-liit mo pa"sabay gulo sa buhok nito'san ba kasi magulang ng batang ito'

"mommy utom"nakangusong sumbong nito sabay hawak sa tiyan niyo natawa naman ako sa ginawa nito' binuhat ko naman ito at pina upo sa tabi .

" wait lang kukuha si mommy ng foods wag ka malikot okay ?"agad naman akong pumunta sa cashier at nag request ng makakain ng bata dito di lang kape ang meron dito may mga dessert at kung ano ano pang drinks at pag kain ang meron sa mga menu dito.

"mukhang ayaw ka ata pa uwiin " natatawang bulong ng cashier sakin sabay tingin sa bata' hayss mag iisang buwan na rin matapos yung part time ko sa Hotel kaya dito nako sa Cafe'shop nag tra-trabaho at regular na rin ako dito kaya't pa minsan minsan kung may bakanteng oras lang ako nag pa part-time sa hotel ginawa na rin akong waitress dun at kung may event lang ako tinatawagan okay na rin sakin un kasi tuloy tuloy na rin yung sahod ko dito sa Cafe'shop at nakaka bayad na rin ako ng upa kahit papa ano'

"isang tasa ng gatas at chocolate biscuits, strawberry biscuit, sweets and velvet cake here is your order mom" natatawang biro sakin ng cashier napailing nalang ako,agad ko namang kinuha at binuhat ito papunta sa table kung saan nadun ang makulit at ubod na cute na bata .

"mommy"agad naman itong tumayo at patalon talon lumapit sakin sabay sigaw ng mommy mommy na' bibingi na ako sa kaka mommy ng batang ito halos lahat ng customer namin nakatingin samin sabay ngiti at nag pag kakamalan pa akong nanay ng bata' dahil na rin sa sobrang puti at kulay ng buhok nito' na may pag kakahawig sakin.

" haha sandali wag malikot ang baby heto na"nilapag ko naman ang pag kain nito sabay buhat dito'inayos ko naman ang
mga pag kain nito at nilagyan ko na rin ng table napkin ang harap ng damit nito para ma iwasan na rin madumihan,dahan dahan ko namang sinusubuan ito ng pag kain aliw na aliw naman akong titigan ito habang kumakain dahil di ito mapili sa pagkain kung anong isusubo ko agad naman itong kakain' magalang at ubod ng bait konting sabi mo lang dito agad ka naman pakikinggan kaya ang swerte ng magulang ng batang ito.

Pinag bilin kay sir jack itong bata ngunit ayaw nang bata lumapit dito haha mukhang natatakot ata sa kilay nitong si sir jack akmang bubuhatin na sana ito ni sir jack kanina nung dumating ngunit tumakbo at nag tago sa likod ko kayat ayaw na akong nitong tantanan.Ang pag kakaalam ko pinag bilin ata kay sir jack itong bata dahil may kailangan atang puntahan ang magulang nito kayat walang ibang mapag iiwanan'nasa dalawang taong gulang na ito kung di ako nag kakamali' isang cute na cute na batang lalaki mukhang may lahi ito sa hugis ng mata, ilong at kulay nito halos wala itong dugo sa sobrang puti' kayat napag kakamalan akong nanay nito dahil maputi rin ako at iba ang kulay ng buhok ko.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now