Nag ayos na rin ako at nag lagay ng kaunting make up di ako sanay mag ayos pero sa tuwing nag tra-trabaho ako dun lang ako kusang nag aayos.

"charann!"sabay ngiti at tingin sa salamin mukha na akong tao sa uniform na to kung titingnan mo mag kasing tulad ito sa uniform ng isang Flight attendant mula sa design ng coat at sa scarf hawig na hawig napansin ko rin ang gold apron na nasa box kaya agad ko na rin itong sinuot'napa busangot naman akong nakatingin sa salamin di mo ma aappreciate yung buong
design ng uniform dahil sa apron na naka lagay sa bandang harap pero mukhang bumagay din naman sakin dahil mas lalong bumakat at kita ang hugis ng aking katawan.

Agad na rin ako nag ligpit at tumungo sa employee room nilagay ko na rin ang mga gamit ko sa locker at nag handa papunta ng Catering area. Natanaw ko na din si Alli sa di kalayuan kumaway naman ito sinyales na pumunta ako dali dali naman ako pumunta sa kinaroroonan nito napinsin ko rin ang iilang mga kasama namin mukhang nag mumukha kaming disente sa mga suot namin napangiti naman ako ng makita ko si Alli mas lalong gumanda at bumagay sa kanya ang suot nito.

" aba nag mumukha kanang tao ngayon sam"naka ngiting puri nito sabay ikot at tingin mula ulo hanggang paa sakin.

" Bakit Alli ano ba mukha ko dati?" mataray na sagot ko dito umiling naman ito at natatawang niyakap ako

" ito naman di mabiro"nakangiting sagot nito'niyaya naman ako nito na pumunta sa kinaroroonan ng manager nito pinakilala na rin ako at tinuruan narin ako ng mga gagawin namin'medyo madali lang naman mag hahatid lang naman kami ng mga request ng mga guest sa mga table ng mga ito'bawat isa samin may mga kanya kanya kaming Area'ako at si Alli pareho ng Area lalapit lng kami kung may ipag uutos or hihingin ang guest sa amin na assign naman kami sa bandang unahan na lamesa sa palagay ko VVIP ata ang naka pwesto sa bandang unahan kaya't mas lalo akong kinabahan mag ka iba rin sa ibang mga kasama namin iba ang mag bibigay ng mga pagkain at iba rin ang mag bibigay at mag iikot ng alak bawat mesa.

Ilang minuto nalang at mag uumpisa na ang event medyo madami na rin ang mga tao'di mo maipag kakaila na mga mayayaman at negosyante lahat ng dadalo mula sa damit at sapatos ng mga ito ay million million ang presyo agad namang tumayo ang mga guest sa kinauupuan nila at sabay sabay na nag si palakpakan ang lahat agad naman akong napatingin sa lugar kung saan sila naka tingin isang groupo ng kalalakihan ang nasa harap ng malaking pinto nag lakad naman mga ito patungo sa unahan lugar kung saan kami na assign ni Alli mukhang sila ata ang mga VVIP na pag sisilbihan namin halos di pa rin natatapos ang palakpakan ng lahat may iilang babae din ang nag titilian at naka tingin sa mga kalalakihan iilan lang din sa kanila ang kumakaway at ang iba mukhang seryoso na nakatingin sa lahat .
Mukhang sila ata ang kasosyo ng may ari nitong hotel nag umpisa na rin ang event at pinakilala na rin ang may ari nitong hotel di mo makakaila ang babata pa ng mga ito parang matanda lang ang mga ito sakin ng ilang taon'

" hoy Sam tulungan mo ako ikaw ng bahala dun sa gitna"nagulat naman ako ky Alli ng bigla ako nitong hampasin sa balikat sabay turo ng mesa sa gitna'napansin ko rin na may nakatingin sa bandang direksyon namin sabay sensyas,di na rin ako nag atubili pa at lumapit na rin dito.

" Miss may tubig ba kayo?"tanong sakin nung isang lalaki na medyo singkit sabay senyas kung ano ba yung ibig niyang sabihin

" Bottled water po sir?"nakangiting tanong ko ulit dito napansin ko ring may mga lamang tubig na ang mga baso nito kaya napakunot ang noo ko ng humungi pa ulit ito ng tubig'

"Yes meron ba kayo?dalawang bottled water sakin Thank you"sagot nito agad naman akong tumungo sa Catering area at kumuha ng dalawang bottled water .

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now