CHAPTER 34: Bring Me To Life

Start from the beginning
                                    

Jas' driver went inside and give Jas his clothes.

"Salamat ho Mang Ben. Hintayin niyo na lang ho ako sa kotse. Ihahatid ko na lang ito doon." Malumanay na sabi ni Jas at pumasok na sa isa sa mga shower cubicle.

Pumasok na rin sa kabilang cubicle to change new clothes. Mabuti na lang at may dala akong damit kung hindi uuwi akong nakahubo. Ilang saglit lang akong nagbihis at nagpatayo kaya lumabas na rin ako at doon na sa mga bleachers naupo.

After minutes, someone entered the area while I am playing with my phone and still, waiting for Jas to finish.

Migo, my fellow competitor on the last pageant enters. He looks at me as I take a glance on him too. Pumasok siya at lumapit sa akin.

"Pare." Bati niya na sinagot ko ng tango.

"Mukhang napapadalas na ata ang usap-usapan tungkol sa inyo ni Jas ah." Maangas niyang pagkakasabi.

"Ano bang balak mo sa kanya?" napataas na ang boses niya kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko.

"Why do you care??" Maangas ko din na pagkakasabi.

He is about to push me when the locker room's door opens. Sabay kaming napatingin kay Jas na nagpupunas pa ng buhok gamit ang towel na pinahiram ko sa kanya kanina.

"Uy. Anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong niya at lumapit sa amin.

"Wala. Nag-uusap lang." Migo shifts his arrogant face into a smiley one. "Kumusta ka na Jas? Anong ginagawa mo dito?" He adds.

"Kanina kasi umiral 'tong katangahan ko. Natapilok ako at nahulog sa pool. Buti na lang dumating agad 'tong si Jacob at niligtas niya ako." He sits beside me and combs his hair.

"Talaga? So knight in shining armor pala itong si Mr. SFUA natin eh." The bastard said. Napupuno na ako dito. Ano bang gusto nitong palabasin.

Inilapag na ni Jas ang towel sa bleachers at tumayo. "Ano naman ginagawa mo dito?" He asks Migo.

"Nakita ko kasi itong si Jacob and I decided to walk-in and congratulate him. Hindi ko pa kasi siya nababati sa pagkapanalo niya." Liar.

"Ohhh. So, mauna na kami? May klase pa kasi ako at super late na ako." Jas said and hold my wrist.

"Bye Migo!" He said bye cheerfully and I'm carried away dahil hinila niya ako palabas.

I make sure that I take my one last glance on that asshole before we leave the premises.

***

Jasmuel's P.O.V.

After class ay dumiretso na ako dito sa taping. It's another overnight taping. Kinakabisado ko na ang mga linya ko dito sa tent at nakapagpalit na rin ng costume. Hindi ko na rin masyado inalala 'yung nangyaring pagkakalunod kanina.

Para ano mas inaalala ko ngayon? 'Yung pag-CPR sa akin ni Jacob kanina.

Oo, nasa panganib ang buhay ko kanina. Na pwede kong ikamatay 'yung pagkalunod na iyon pero nandyan ang superhero ko para iligtas ako. He doesn't even mind kung magdadampi ang mga labi namin, maligtas lang ako.

Kahit pa mukha akong natrauma kanina, ngiting-ngiti naman ang puso ko. Kahit pa nu'ng naliligo ako kanina, doon ako nakangiti ng todo. Ito ang una naming 'kiss'. Shall I consider him as my first kiss? Eh I didn't feel naman na may romance 'yun. For my safety 'yun.

Pero sige na nga, first kiss ko na siya. Ahee.

"Jas, take na daw." Sumingit ang boses ng staff na tumawag sakin.

Nagde-day dreaming pa ako eh. Lumabas na ako ng tent at nagtungo sa may park na pagkukuhaan namin. May mga fans pa na nanunuod ng shooting na binigyan ko ng isang malupit na ngiti at kaway dahil kanina pa sila nandito.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Where stories live. Discover now