CHAPTER 48: REASONS TO LOVE YOU

Start from the beginning
                                    

Pakiramdam ko ay ganun ako kahina para sakanya, sa loob ng apat na taon nagawa niya ko lokohin at saktan.

" ganun ba talaga ang tingin mo sakin para magpanggap ka na may amnesia ang pandirian ako at paglaruan .. daryl yung panahon na nasasaktan ako ikaw lang ang inisip ko. Ok lang na masaktan ako dahil yun naman talaga ang kailangan kasi mahal kita hindi ko alam kung kaya ka naging ganyan ay dahil sa pagiging makasarili ko "

" alex hindi ko naman ginusto na gawin ang bagay na yun sayo, hindi ko alam kung paano ako haharap sayo.. sa apat na taon nakilala ka ng tao bilang dior sa harap ng camera pero alam ko na ikaw pa din ang alex na minahal ko "

" please lang daryl.. ang babaw ng dahilan mo para sa akin hindi ko alam kung anu nagawa ko para pandirian mo ko ng ganun, ikaw ang dahilan ko kung bakit nagpatuloy ako nabuhay pero sa pag gising ko ang lalaking minahal ko ay hindi ako matandaan at mas malala pa ay pinandirian ako "

Ramdam na ramdam ko ang sakit na ginawa niya alam ko na nakatingin na sa amin dalawa ang mga bata, alam ko na hindi nila naiintindihan pero hindi dapat sila maapektuhan kaya naman tumingin ako kay dust pero hindi niya magawa tumingin sakin ng diretso.

" dust hindi ko alam kung dapat ako magalit sayo pero ikae ang naging kasama ko sa apat na taon, please dalhin muna pauwi si darex susunod na lang ako "

Hindi sumagot si dust pero nagpunta na ito sa kinatatayuan ng dalawang bata at dinala ang mga ito.

" natutuwa ako dahil may anak ka na " - daryl

" si darex ay adoptive son ko, hindi ko naman siguro obligasyon na ipaliwanag ang buhay ko sayo "

" alam ko pero gusto ko malaman mu na si alexir ay anak ko, nag donate ako nun ng sperm sa isang hospital at siya ang bunga "

So, hindi niya anak ang bata dun sa babaeng yun ?

" alam ko na madami ako nagawa kasalanan sayo, pero sana kahit ngayon lang bumalik ka sakin dahil mahal na mahal pa rin kita "

" daryl hindi ko alam kung ganyan din ang nararamdaman ko, kaya ako bumalik sa pilipinas ay kung sakali na makikita kita ay makapaghiganti ako pero hindi ko alam kung bakit nung muli kita nakita ay nawala ang rason na yun.. daryl tapos na ang lahat sa atin ibang tao na ako "

" alex gagawin ko ang lahat para bumalik ka sakin, wala na ako masyadong oras pero handa ko gawin ang lahat para bumalik ka sakin "

Oras ? Aalis ba siya ?

" hindi ko alam ang sinasabi mo pero sa tingin ko ay dapat kalimutan mo na ako hindi lang sa akin umiikot ang mundo mo "

NAramdaman ko na lang ang pagpatakng mga luha sa aking mata,nasasaktan ako para sa aming dalawa maraming oras ang nawala sa amin.

Ganito ba talaga kapag nagmahal ..

Nagiging makasarili ?

Hindi ko man magawa na maibalik ang lahat pero ayaw ko na mabuhay na may galit sakanya.

" daryl hindi ito ang panahon para sa atin dalawa, may anak ka na alagaan mo siya . Ganun din naman ako kailangan ko mabuhay para sa anak ko .. hindi ko matatanggap ang kontrata na yun, pinaghirapan mo yan.. matagalng tapos ang career ko bilang presidente ng montreal at montecillo "

Nakita ko na umiiyak siya halos, kulang na lang ay magsisigaw siya pero hindi niya magawa alam ko na pinipigilan niya lang ang emosyon na nararamdamn niya.

" daryl naging masaya ako sa apat na taon na malaya ako, hindi ako nag sisi na minahal kita ikaw ang unang lalaking nagmahal sakin "

" alex patawarin mo ko "

" daryl live your life hindi lang sakin umiikot ang mundo mo "

Bigla siya tumayo at lumuhod sa harap ko, hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko pero alam ko na nahihirapan din siya.

" daryl please .. maging masaya ka andyan ang anak mo na kailangan ka, alam ko na mas magiging masaya ka kung gugustuhin mo "

" alex patawarin mo ko .. patawarin mo ko"

Tumayo na ako at naglakad palayo sakanya, alam ko na mahirap pero ito ang tama ayoko na lokohin ang sarili ko.

Ang luha na pinipigilan ko ngayon ay masaganang dumadaloy sa pisngi ko, alam ko na tapos na ang panahon namin pero ito ang tama..

Love is not about the past

It is about the present.

Kahit gaano mo pa kamahal ang taong yun sa iyong nakaraan, hindi dapat makulong sa pagmamahal na matagal ng tapos.

Hindi ko alam pero tama ang ginawa ko

Hindi ko pwede lokohin ang puso ko.

Nagmahal ako.

Nasaktan.

Nagpatawad.

Pinahid ko ang mga luha ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa kailangan ko ng kasama.

Mabilis akong nagdial ng number ni lantis pero hindi ko siya macontact.

Siguro ay kailangan ko muna mag isa kailangan ko siguraduhin ang gusto ng puso ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko pero gusto ko masigurado.

Mahal ko na ba siya ?

A/n: sorry ngayon lang nag update busy sa feasibility ay defense ko na kasi sa saturday kaya ngarag ang buhay ko haha.

I'am the boss but he is my boss (BXB) (COMPLETED!!)Where stories live. Discover now