CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang malupet at walang buhay na sagot ang itinugon ni Nate. "Lugaw lang ang ihahain ko hanggat hindi bumabalik si Gali dito sa mansion...at si Ashari..."


Sasakit ang batok ni Shera, malapit na siyang mahigh blood! Tuwing pagsasabihan niya si Nate ay ganito ang isinasagot nito.

"Gali will be back, and we both know the case of Ashari. She'll never come back, Chef Nate." Hindi na mabilang ni Shera kung ilang beses na niya itong sinabi kay Nate.

Tinignan lamang siya ng blanko ng chef. "Bakit, sinabi ko bang babalik siya dito!? Wala siyang karapatang bumalik dito! Wala." at hindi na din mabilang ni Shera kung ilang beses isinagot ni Nate sa kaniya ang mga pakunwaring salita.





Alam niyang lose case na ang pagkumbinsi niya kay Nate kaya naman dumiretsyo nalamang si Shera sa maid's quarter.

At kagaya nitong mga nakaraang araw...

Isang aburido at mainitin na ulo na si Madam Angel ang bumungad kay Shera.

"ANO 'TO? BAKIT MAY ALIKABOK! ULITIN NINYO ANG PAGLILINIS!!!!!!!"

Isang maid ang kumaripas ng takbo para kumuha ng dust broom. Nabangga pa nito si Shera at hindi na nakapag sorry dahil sa takot at sa pagmamadali.

"Not again..." hays, simula ng umalis si Gali at Ashari, lalong naging mala dragonang hilaw si Madam Angel. Palaging badtrip.

Alam ni Shera na wala na ding mangyayari kung mags-stay pa siya para bantayan si Angel. Ang dapat nalamang niyang gawin ay siguraduhing hindi ito makakasagabal at makakagulo sa mga plano nila ni Leonard.





Sa kabilang banda naman, si Leonard, ang kanang kamay ni Easton ay hindi nagdalawang isip na buksan ang pinto ng office ng kaniyang Under boss na si Easton.

Pagpasok niya sa loob, nakita niya itong nag-aayos ng gamit at mukhang aalis.

"I'll go out." Maikling abiso ng kaniyang Sir Easton bago siya mabilis na nilagpasan.

"Pupuntahan mo nanaman siya?" pagpigil ni Leonard sa Under Boss gamit ang baritono at seryosong boses.

Bumagal ang paglakad ni Easton. "You take responsibility here while I'm gone." inderektang turan ni Easton bago tuluyang umalis.

Hindi man sinagot si Leonard ng kaniyang boss, alam na nito ang tunay na sagot.

Leonard has to monitor Easton and the Elcano's kaya naman pagkaalis ni Easton, pasimpleng pumunta si Leonard sa bahay ng mga Elcano.

Naabutan niya doon si Salvador. Walang Dyther at Madam Helen ni anino wala! Saan nagpunta ang dalawang iyon? Wala siyang natatandaan na appointment nila.

"Where is your wife and son?"


Nagbabasa ng dyaryo si Salvador habang nagpapatugtog ng lumang musika.

"Dyther went overseas. Helen went to Vernix, she's a busy person. Alam mo na, malapit na ang Anniversary at auction ng MPO."

Ilang segundong pinagisipan ni Leonard kung totoo ba ang sinabi ni Salvador. Hindi naman ito ang tipo na mag sisinungaling kaya hinayaan na niya.

"How are they?"


"Better than usual." Sagot nito. "Don't worry yourself too much...you and Shera. They'll all get over it soon."

Oo tama si Salvador. Time will make everything comeback to it's own phase. He and Shera doesn't have to worry.

Basta ang plano nilang dalawa...tuloy at walang makakapigil sa kanila kasi pabebe sila. Charot.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon