DREAM GIRL - Fourteen

383 55 17
                                    

💖💖💖

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

💖💖💖

Parang binibiyak ang ulo niya at hindi niya alam kung aling parte ng katawan niya ang pinakamasakit

Her back hurts, her legs hurts, her head hurts and so was the middle of her thighs.

Nakadapa siya sa kama nang maramdamang pumasok si Russ, in his fitted jeans and nothing else, na may dalang isang basong tubig at tabletas na nasa palad nito. 

"Can you sit?" tanong nito na umupo sa gilid ng kama.

Of course, she could sit. Masakit nga lang. 

Ibinalot niya sa katawan ang kumot na nakatakip sa likod niya at sinikap niyang umupo. 

Inalalayan nito ang likod niya at nilagyan ng unan saka siya pinasandal sa headboard. 

Inabot niya ang pain pill sa kamay nito at ininom. 

Napangalahati niya ang isang basong tubig. 

Noon niya natanaw ang wall clock sa itaas ng pintuan ng banyo. It was eleven in the evening! Ang Nanay niya! "My bag!" agad na nasabi niya.

Russ pulled a door below the drawer on the side cabinet. 

Sa loob ay may vault na naka-lock. Inikot-ikot nito ang pihitan na may numbers bago iyon bumukas at kinuha ang bag niya. 

Ni hindi niya alam na naroon iyon. Alam niya ay iniwan niya ang bag sa couch pagdating nila kanina. 

Agad niyang hinanap ang cellphone niya. May limang miscall ang Nanay niya pero walang text. Kinakabahang tinawagan niya ang ina.

Agad naman itong sumagot. "Nasaan ka?"

"Nay, nandito ako sa bahay ni Russ. Pinakita niya lang sa akin. Nakatulog kasi ako. Kakagising ko lang."

"Saan ka natulog diyan?"

Tiningnan niya si Russ na nakatitig sa kanya.

"Huwag mong bilugin ang ulo ko Diana, pakakasalan ka ba ng lalaking iyan?"

Hindi siya makasagot.

"Pinagbilinan kita kanina. Sabi ko sa'yo huwag kang bibigay. Ano'ng ginawa mo?"

"Nay, mamaya na lang po tayo mag-usap."

"Kailan, uuwi ka ba?"

Hindi siya makakibo. Nagulat siya nang hablutin ni Russ ang cellphone niya. "Mrs. Alonzo. Si Russ po ito. Opo. Bukas ko po siya iuuwi."

She gasped. Bukas?

"Ano'ng oras po ang dating ng asawa n'yo? Isasama ko po ang parents ko para pag-usapan ang kasal namin. Kung sakaling mauna sila, hintayin n'yo lang po kami. Darating po kami ni Diana."

Parang gusto niya nang himatayin. 

What are you saying? She mouthed to him.

"Oho. Sige po. Thank you. Kayo din po. Bye." He gave the phone back to her. "You heard it?"

DREAM GIRL (ONGOING) The Castilliogne Empire XIOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz