DREAM GIRL - Nineteen

664 47 10
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

"Do you like this restaurant?"

It wasn't a question of what she like but why she was here. Bigla na lang dumating si Chloe sa bahay nila at hinanap siya sa Nanay niya.

Nagulat pa siya nang bumaba dahil hindi niya inaasahan na may isang Castiglione na magpapakita sa aba nilang bahay. 

She was expecting Russ to do it before pero mukhang hindi na talaga matutuloy.

Niyaya siya ni Chloe na lumabas. A girls talk. 

Pumayag siya dahil ayaw niya itong bastusin at ayaw niyang pagbigyan ang nag-aalalang tingin ng nanay niya nang umuwi siya nang maaga kanina. Sinabi niya lang na masakit ang ulo niya. 

Saka niya na babawiin dito ang lahat kapag sigurado na siyang malakas ang loob niya at hindi na siya iiyak habang nagkukuwento nang pagtatapos ng kunwa-kunwariang relasyon nila ni Russ.

Chloe, in her white fitting T-shirt and torn jeans brought her to an expensive restaurant in Glorietta. Hindi ito nagmamaneho. 

She was used to things that her family had. Wala itong ano mang animosity or annoyance to the things that she had. 

Sa loob ng kotse bukod sa driver ay mayroon itong bodyguard bukod pa sa tatlong kotse na nakasunod sa kanila.

Diana was in her red-fitting T-shirt and black slacks. Both of them were wearing flats and she was using what Russ gave her. 

Iyong natira sa kanya bukod sa mga iniwan niya sa opisina nito. Bukas ay aalisin niya na rin ang mga alahas na suot niya at isasama sa iniwan niya sa opisina nito.

"I assumed that you invited me here to tell me things about Russ or about your family?" alanganing tanong niya nang bigyan na sila ng mesa ng maitre'd.

"Not really, I want you to tell me things about you. Ano ba ang gusto mo sa mga lalaki. In totality kung hindi ka inunahan ni Russ, would you like him?"

"You were there kanina?"

She nodded. "Don't worry, naiintindihan ka namin. You have the right to do and to say that. Kung hindi mo nga ginawa iyon ay mas maghihinala kami sa pagkatao mo."

Kumunot ang noo niya. "Maghihinala na ano?"

"Na baka nga pera lang ni Russ ang gusto mo, which should be fine to our brother dahil iyon naman ang gusto ni Russ na gawin mo, ang tanggapin siya for his money."

"Hindi ako ganoong tao."

"We know that now."

Nang lumapit ang waiter ay ito ang umorder ng mga pagkaing hindi niya kilala. 

Nagpaalam ang waiter na thirty minutes to an hour ang dating ng mga orders nila pero nagbaba ito ng complimentary roll and butter at sparkling wine.

Muli siyang nilingon ni Chloe nang makaalis ang waiter. "Nasabi na sa iyo nina Mama ang pinagdinaanan ni Russ, hindi ba? Because of that we were thinking na naiintindihan mo siya."

DREAM GIRL (ONGOING) The Castilliogne Empire XIWhere stories live. Discover now