DREAM GIRL - Seven

330 50 5
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Eksaktong ala-una ay kumatok siya sa opisina ni Russ. Dadaan muna siya sa office ng sekretarya nitong si Angie bago nito pagdesisyunan kung papasukin siya. 

She pushed the door open. Wala doon si Angie kaya naupo siya sa isa sa limang arm chair na naroon at nanood ng show na nasa flat screen TV na walang sound at naka-attached sa wall.

Mga fifteen minutes na siya doon nang dumating si Angie. 

Napatayo siyang bigla. 

Kapareho niyang pencil cut na itim na palda ang suot nito at pulang blouse. 

She had her black coat on while Angie was not wearing hers. 

Mainitin ang katawan nito. Siguro ay dahil medyo mabigat din. "Kanina ka pa?" nag-aalalang tanong nito na pinagtakahan niya. "You should have just entered, ibinilin ka ni Sir na papasukin ko agad. Sorry, ha, nag-toothbrush pa kasi ako."

Nahiya naman siya. May kasungitan ang babaing ito dahil mino-monitor nito ang pumapasok at lumalabas sa opisina ni Russ, pero parang ang bait-bait ngayon. "Okay lang. Thank you."

Ngumiti ang babae at itinulak ang leathered double panel door kaya nakapasok na siya. 

Kusang sumara ang pinto at umangat ang ulo ni Russ mula sa pagkakatingin sa mga papel na nasa desk nito. 

He was in his cream-colored shirt and black pants. His necktie was red and black and he wasn't wearing his coat.

"Sit down," utos nito na itinuro ang couch.

Agad siyang naupo doon. She was about to cross her legs nang magsalita ito.

"Please don't. Never ever cross your legs. Especially in a short and pencil cut skirt."

"Oh okay," mahinang sabi niya. 

She blushed. 

Ayaw niyang isipin nito na dini-display niya ang legs niya. 

Tahimik na inilabas niya ang binulsang papel na na-print niya kanina at nilagyan ng notation. 

It was his email for her and itemized contract in layman's terms.

Itinulak nito ang papel na binabasa kanina sa bandang gilid ng desk at ipinatong ang forearm sa makintab at malaking office desk. "How are you?"

Ang weird na tanungin siya ng ganito ng lalaking ito samantalang halos isuka siya kahapon, for the lack of right words to say. "Okay naman po. Kaka-lunch ko lang."

"I am not really that old yet at isa ako sa mga bunso ng pamilya. Hindi mo ako kailangang po-po-in."

Parang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya. Tapangan mo, Diana! Tumango na lang siya.

"Sorry that I couldn't take you out for lunch right now. Masyadong magulo ang lunch schedule ko but I can always promise you dinner." Really? Pati ba lunch ay iniisip nitong inaasahan niya na magkasalo sila? 

DREAM GIRL (ONGOING) The Castilliogne Empire XITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon