DREAM GIRL - One

1K 58 12
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

DREAMING OF YOU

"Are you listening to me?"

Diana blinked and looked at her snubbed of a boss. 

Nakikinig naman siya dito pero minsan kapag kaharap niya na ito, pakiramdam niya ay parang nakakapasok siya sa isang trance na sila lang dalawa ang magkasama. 

Tumayo siya ng tuwid. "Yes, sir."

"Ano ulit ang sinabi ko?" kunot noong tanong nito na parang inis na talaga. 

She knew he was challenging her kung nakikinig nga ba siya dito and she was up for it. Walang nakaligtas sa tainga niya sa mga sinabi nito.

She explained what he said in full details including the scratching of his nape na ikinatawa ng bisita nitong si Sir Xian Castiglione. 

She heard they were brother but neither recognized their roots yet. At least not much. Medyo medyo pa lang si Sir Russ.

Pagkatapos niyang magsalita ay muling tiningnan ng boss niya ang files na ibinigay niya. 

Kung bakit naman kasi nang mag-leave ang manager ng Finance Department na boss at kaibigan niya ay siya ang pinag-ayos ng mga files na ito? 

Dapat ay pumasok na ang boss niya dahil ayaw niya na nang pasok nang pasok sa napakalaking opisina na ito. Natataranta siya. 

It had been two weeks!

"All right," narinig niyang sabi ng boss matapos basahin ang mga files. "Okay na ito, very good." 

Very good naman pala, kung makareklamo parang may ginawa siyang mali! Hmp! 

"Kailan papasok si Celeste?" he asked with full authority in his voice.

"Next week po," nakaungusong sabi niya. 

Kung naiinip na ang mga ito na bumalik si Celeste, 'di lalo na siya! Ayaw niya nang daanan ang mga ganitong senaryo sa araw-araw! 

Kung hindi niya siguro crush ang lalaking ito ay okay lang. But she had this big-big crush on him na natataranta siya kapag nakikita at nakakaharap ito. 

This should stop!

Her boss sighed in resignation. Para siyang batang matigas ang ulo na pinagtitiyagaan lang. "Hindi sa hindi kita gusto dahil gusto kita. You work perfectly well and clean."

Love na siya nito? Parang gusto niyang kiligin! 

Ugh! Hindi pala iyon ang ibig nitong sabihin. Gusto daw siyang magtrabaho!

"Ang problema tuwing nandito ka sa opisina ko ay parang lagi kang wala sa sarili mo."

Napahiya na naman siya. 

Ang kulit naman kasi ng immediate boss niyang si Celeste na isa din sa mga bestfriend niya dito sa opisina. Sa kanya pa ito ibinilin. Sa dinami-dami ba naman ng mga trabahong gusto niya ay ito pa ang ibinigay sa kanya. Ang mag-report ng direkta sa big boss nila na puwede namang ipagawa sa ibang supervisor at managers. 

DREAM GIRL (ONGOING) The Castilliogne Empire XIWhere stories live. Discover now