DREAM GIRL - Two

370 45 26
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

RUSSEL

"No, Geena, I can't see you tonight, marami akong ginagawa and I have an early meeting tomorrow."

"Kahit sandali lang."

"I'm busy, sorry."

Binabaan siya ng phone ng babae.

Napatingin siya kay Xian na nakaupo sa couch habang ibinabalik niya sa stand ang telepono. "Women!"

Xian smiled. "Pang ilan mo na ba 'yan mula nang dumating ka dito sa Pilipinas?"

He shrugged. "Four? Five? I stopped counting long time ago."

Kumunot ang noo nito. "What's your motive?"

Hindi siya nagkunwaring hindi naiintindihan ang tanong nito. "Sex, first and foremost," he replied fast.

Xian rolled his eyes. "So, sex lang talaga?"

"Ano pa ba? Walang makakapalit kay Olivia," mabilis niyang sagot. "Kung pag-ibig ang iniisip mo." On that he was certain.

"Sure, but there is another woman who can occupy your life and time. Bakit hindi ka kumuha ng isang babae na makakasama mo sa buhay? Maybe you wouldn't love her like Olivia pero at least hindi ka palipat-lipat sa iba. Baka magka-AIDS ka pa niyan."

"Bakit, ako lang ba ang gumagawa nito? Other men would surely pick a prostitute, I wouldn't. I'm careful and open for a relationship if the woman want one. Huwag lang akong paghahanapan tulad ni Geena kanina. Besides, have you heard of condom before?"

"Kamayin mo na lang!" tumatawang sabi ni Xian.

Binato niya ito ng maliit na papel.

"I mean it," Xian continued. "Get a woman to marry and settle down. Mas tataas pa ang tingin sa iyo ng mga tao dahil magkakapamilya ka. Even the board would salute you."

Sumandal siya sa swivel chair. "I don't care about the board. You know me. At naloloko ka na ba? Sinong babae ang papayag sa set up na sinasabi mo? Just get married without the flowery thingie? Sinong babae ang papayag sa kasal na walang pagmamahal? And I don't think it is safe for me either. Baka gawin lang akong sugar Daddy. Mas mabuti pa ang mga escort, no strings attached."

May nakahanda na itong sagot. "Maraming papayag. Just name their price. You are Russ Castiglione. Minsan mas okay pang pakasalan ang babaing binayaran mo kaysa sa mga naging girlfriend mo. They are just spoiled. Offer a prenuptial agreement. Bigyan mo ng allowance. Payong kaibigan at kapatid kung talaga ngang magkapatid tayo."

He almost rolled his eyes. "Are you talking from experience?"

"Not really, iba kami ni Olga," sabi agad nito.

"It didn't last too," he insisted.

Hindi ito kumibo tungkol doon.

Hindi nila alam kung ano talaga ang nangyari dito at kay Olga, they seemed like husband and wife already, hindi pa nga lang umuuwi si Olga sa bahay ni Xian dahil ayaw muna ng babae. 

DREAM GIRL (ONGOING) The Castilliogne Empire XIWhere stories live. Discover now