DREAM GIRL - Eight

343 52 11
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

"You should be able to allow her to say no kung ayaw niyang pumayag sa offer mo."

"I don't want to find anyone else anymore. I am at ease with Diana. Gusto ko siya na."

"Paano nga kung ayaw niya?"

"Ano ang aayawan niya sa akin?"

Nagkatinginan sina Xian at Liam. They were sitting across each other in one of the sitting rooms of Liam's mansion.

Tig-iisa sila ng armchairs.

May bote ng vodka, cuervo at scotch sa ibabaw ng bilog na coffee table sa gitna nila.

May wine glass at ice bucket din.

"That's not the point," Liam said wondering. "The woman should have the chance to say no," pagpipilit nito.

"At saan siya pupunta? Wala naman siyang boyfriend at hindi naman husband material ang manliligaw niya noon na taga opisina."

Tumaas ang kilay ni Liam. "And you are a husband material?"

"I want to get married."

"Kung hindi siguro si Diana ang babae ay hindi mo na kailangan ipagpilitan ang sarili mo at gumawa ng mga kontrata o ano pa man, bakit hindi ka na lang humanap ng iba?"

"Sinong iba? 'Yong mga spoiled na babaing sunod ng sunod sa akin na naghihintay lang na offer-an ko ng kasal at tatalian ako nang walang pakundangan?"

"You want to get married, coming from you," paalala ni Xian.

"Yeah, but to a deserving woman."

"Diana is deserving?" sumandal sa kinauupuan si Liam at tinitigan siya na parang binabantayan ang isasagot niya.

"She would sign a pre-nuptial without questioning me why. She had this notion about submission to a husband which I like very much.

Doon pa lang ay okay na kami. Importante sa akin na papayag lang siya sa lahat ng gusto ko.

I'm not too fond of discussion or explaining to people like lots of women are fond of.

Diana wouldn't abuse my monetary fund as she almost dropped everything when it comes to finances. Hindi sa hindi ko kayang ibigay ang mga iyon because I offered her more. But I trusted her more when she turned down my generous offer.

That means that she is willing to work on our relationship rather than just enjoy life because of my money."

Parang nag-isip si Liam. "Paano kung umayaw siya. Sa description mo, siya din 'yong klase ng babae na hindi papatol sa marriage for convenience dahil naniniwala siya sa sagradong kasal at pagmamahalan ng mag-asawa."

"That is exactly the reason why I am so into marrying her. I knew that she would keep me no matter what."

"The question is, are you going to keep her?" singit ni Xian.

DREAM GIRL (ONGOING) The Castilliogne Empire XIWhere stories live. Discover now