DREAM GIRL - Eleven

318 50 6
                                    

💖💖💖

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

💖💖💖

Fifteen minutes bago mag-eleven ay may pumaradang tatlong sasakyan sa harap ng apartment unit nila Diana.

At dahil maliit lang naman ang slot nila ay sinakop ng mga ito ang harap ng mga katabing bahay. 

Hindi na siya magtataka kung may mga nakadungaw sa kanya-kanyang bintana ng mga kapitbahay nila.

Napatayo sila ng Nanay niya mula sa pagkakaupo at panonood ng isang noontime TV show. 

Sabay nilang hinawi magkabilaan ang kurtina sa bintana para makasilip sila.

Isang kumikislap sa itim na sedan ang nasa gitna ng dalawang malalaking SUV. 

Napatingin siya sa suot niyang dress na sleeveless at maiksi. It was floral red at puti ang background. Silhouette ang loob kaya may white lining. May sheering iyon at pababa ang neckline. Medyo maluwag din ang skirt line at nakahakab sa balakang niya. 

She bought it on sale at Forever21 two months ago at ngayon niya palang isinuot. 

Nagulat ang Nanay niya nang makita ang damit at parang gusto siyang pagpalitin. 

But when she wore her white flats, ang nag-iisang hindi pa laspag na sapatos niya, ay nakahinga ito ng maluwag.

"Medyo wholesome naman ang hitsura mo. Huwag ka lang papayag na himas-himasin ng lalaking iyon ang balakang mo," sabi nito habang naghihintay sila. 

Pinuna din nito ang mga alahas niya na ang sabi niya ay fake at binili niya lang ng tig five hundred ang isa sa Landmark. 

Sorry, Lord, hindi kasi titigil si Nanay kapag nagsabi ako ng totoo.

She blushed when her mother said that. Itinago niya ang mukha dito at kunwari ay may tinitingnan sa cellphone. 

Russ didn't text or call her to ask if she was getting ready pero may palagay siyang hindi iyon kailangan. 

He closed the subject last night saying that he would come on time. 

She was getting the hang of it. 

Hindi na siya nag-alinlangan na darating ito. She knew in her heart that he would keep his promise. Not that she was waiting.

"May security pa," bulong ng Nanay niya.

Tiningnan niya ito. "Security po ba iyan?"

"Malamang, aanhin niya naman ang tatlong sasakyan?"

Muli siyang tumingin sa labas.

Nakita niya munang bumukas ang dalawang SUV at lumabas ang ilang lalaking malalaki at matatangkad na nakaitim na polo shirt at jeans bago bumukas ang passenger seat ng kotse.

Lumabas si Russ na naka-polo shirt ng stripe na puti at dilaw. He was in his jeans and sneakers at parang walang medyas.

Napatingin siya sa damit niya. "Nay, hindi ba ako over dressed?"

DREAM GIRL (ONGOING) The Castilliogne Empire XIHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin