Kabanata 14 - [first day]

Start from the beginning
                                    

"Napakarami mo namang plano, nagtanong kapa sakin." He chuckled.

"Because your opinion matters. I want you to do all the things you want." His eyes where glistening with adoration that melted my heart. "At hindi pwedeng hindi ako kasama." Natatawang dagdag nya.

I chuckled. "Of course."

We were laughing when someone entered the kitchen with heavy steps. Of course, it's none other than... the one and only... Ander.

"Good morning, bro." Masiglang bati ni Linus sa kapatid.

"Morning." Casual nitong sabi. Natahimik kami ni Linus habang pinapanood namin sya. Kumuha sya ng baso at nagtimpla ng kape. Hinalo nya ito at seryosong binalingan kami.

"Nakausap kona si Mang Roland. Siya ang sinabihan kong ipasyal kayo dito. Sabihin nyo nalang sa kanya kung may gusto kayong specific na gawin."

"Okay. Ikaw, bro, ayaw mo bang sumama?" Tinapunan nya ako ng tingin bago ngumiti kay Linus.

"Hindi na. Baka makaabala lang ako sa inyo." Bitbit ang kanyang kape, nagtungo sya palabas ng kusina. "Enjoy." Wika nya bago tuluyang makaalis.

Pagkalabas pa alang ng mansyon ay sinalubong na agad kami ng isang lalaki na sa palagay ko ay si Mang Roland. Hindi naman ako nagkamali nang kumpirmahin ito ni Linus.

Sa aking palagay ay nasa higit kumulang limampung taon na si Mang Roland pero ang kanyang lakas ay maihahalintulad pa sa lakas ng kalabaw.

"Magandang Umaga po sa inyo." Magalang na bati ni Mang Roland.

"Magandang Umaga din po, Mang Roland."

"Kayo ho ba ang nobya ni Sir Linus?"

"Opo. Ako nga po."

"Ay napakaganda nyo naman ho pala, ma'am. "

"Ayy haha salamat po. Semi nalang po itawag nyo sakin. No need to be formal."

Patuloy ang kuwentuhan naming tatlo habang tinatahak ang daan patungo sa aming destinasyon ngayong araw.

Ang napag-usapan kasi namin kanina ay libutin muna ang lugar upang mas maging pamilyar kami dito.

Habang naglalakad panay ang pagkukuwento sa amin ni Mang Roland. Minsan tungkol sa kanya ngunit madalas ay tungkol mismo sa isla.

Hinayaan lang namin sya magkuwento habang kami ay taimtim na nakikinig at may pagkakataon din namang sumasagot din kami kapag nagtatanong sya pero mostly si Linus talaga ang sumasagot.

Ilang oras din kaming naglibot sa buong isla at ibig sabihin nun ay ilang oras na din kaming naglalakad. Nangangawit na ang paa ko pero patuloy parin ako sa paglalakad. Bawing bawi naman kasi sa tanawin. Napakamaaliwalas ng paligid.

Naisip ko tuloy na ang sarap sigurong tumira dito. Yung tipong paggising mo sa umaga, ang maaliwalas na tanawin ang makikita mo.

"Love, kaya mo pa bang maglakad?" Tinignan ko si Linus na nag-aalalang tumingin sakin.

"Yeah kaya ko pa naman. Malayo paba tayo?" Hindi nya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay dumako ang kanyang tingin sa paa ko.

"Gusto mo bang buhatin kita? Look ohh. Your feet are shaking." Bago pa ako makapagprotesta, binuhat na nya ako, bridal style of course.

"Linus, ibaba mo nalang ako. I know you're tired too. I can manage."

"Huwag kang makulit. Just let me carry you and besides konting tiis nalang at makakarating na tayo sa pupuntahan natin."

"Wait saan nga ba tayo pupunta?" Hindi nya kasi sinabi sakin kung saan talaga kami pupunta. At sadyang hindi naman ako ganun kakulit para ulit ulitin ito pero na-curious ako bigla.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now