Kabanata 3 - [phone call]

37 17 15
                                    

We stayed in that paradise for hours. Sinusulit ang bawat sandaling kami ay magkasama.

We spend our time reading books and chatting with each other. That moment felt so surreal.

Hindi ko sure kung ilang oras na kaming nandoon. Naisipan lang naming lumabas ng napatingin kami sa orasan. Doon lang namin narealize na malapit ng mag-6pm at kailangan pa nya akong inatid sa amin.

Mabait man ang aking mga magulang pero iba parin sila magalit kapag may nilabag akong utos nila at isa na nga doon ang pag-uwi ng maaga.

Siguro naman maiintindihan nila dahil si Ander naman ang kasama ko. Matagal ng kilala ng parents ko si Ander. Since grade 2 ay magkaklase na kami.

They know Ander as a smart, sweet, and kind child. They also treat him as a family.

Agad naming niligpit ang aming gamit at nagmamadaling lumabas.

Nasa labas na kami ngayon ng lumang gate.

"Sodabear, matanong ko nga lang." Tawag ko sa kanyang pansin habang busy sya pagsasara ng gate. "Sinong may ari ng mansyon na 'to?"

Katatapos nya lang sa paglolock nang tinignan nya ako. "Sa lola at lolo ko."

"Talaga?" Tumango sya. "Kung ganun sa inyo pala ito. Pero bakit wala ng nakatira?" He stiffened. Napansin ko din ang lungkot na dumaan sa kanyang mukha.

"Siguro may multo noh." Agad kong dagdag para gumaan muli ang tensyon sa paligid. Sinubukan ko pang tumawa kahit halatang pilit naman.

Lumakad sya papunta sa motor. Kinuha nya ang dalawang helmet ay inabot sa akin ang isa.

"Oo." Ngumiti sya at tumawa.

Hindi ko na inusisa pa ang tungkol doon. Hinayaan ko nalang sya. Baka sariwa parin ang sakit na naramdaman nya dulot noon. At siguro naman ay sasabihin nya din sa akin kapag handa na sya. I'll just wait.

Nginitian ko din sya.

Sumakay na kami sa kanyang Ducati at tumulak na paalis.

Habang pauwi kami, inaalala ko ang napuntahan nakin kamina. Parang namiss kona agad ito. The ambience there is just so... amazing.

Napakasarap at napakagaan sa pakiramdam. Pwede bang bumalik nalang kami doon. Doon nalang kaya ako tumira tapos si Ander syempre doon din. Tapos magkayakap kami lagi hanggang sa pagtulog. Tapos gigising kami ng magkayakap din. Tapos sabay kaming magluluto at kakain.

Natawa ako sa mga naisip ko. That's the dream and I'm sure makakamit namin yun... soon. Tiwala lang.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa aming bahay. Bumaba na kami. Dumaretso ako sa pinto at pinindot ang doorbell. Agad na nagbukas ang pinto at nakita ko ang mga nag-aalala nilang mukha.

"Semi, where have you been. It's getting dark already. Papatayin mo ba kami sa nerbiyos?" Tinubuan agad ako ng guilt.

"Sorry, Mommy." Nasa harap na namin sila. Tahimik lang si daddy nang sulyapan ko pero ang mga mata nya ang nagpapakita ng kanyang nararamdaam, nagbabanta sa aking ginawa.

I sighed.

Niyakap ako ni Mommy. Binitawan nya din ako agad at hinawakan ang dalawang kamay kom "Susko naman, Semi. Kung gusto mong umalis at matatagalan ka, magsabi ka naman. Papayagan ka naman namin ehh."

"Yes, mommy. Sorry po talaga."

"Saan kaba nanggaling ha."

"Uhmm." Sunulyapan ko si Ander na tahimik lang habang nakayuko. Gusto ko sanang matawa pero hindi ito ang tamang sitwasyon.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now