Kabanata 10 - [heavy heart]

24 8 10
                                    


Kasalukuyan akong nasa isang paraiso. Nakahiga ako sa duyan habang payapang nakatanaw sa dalampasigan.

Napakatahimik ng paligid ngunit unti unti itong nasira. Nagsimulang yumayanig ang buong lugar. Wala akong nagawa kundi ang magpanic.

Tuluyan akong nagising sa aking panaginip ng sumakit ang likod ko mula sa pagkakahulog ko sa kama.

"Aray ku." Daing ko habang hinihimas ang aking likod.

Napatingin naman ako sa isang taong tinatawanan ang nangyari sakin. Ang osong mahilig sa soda ay nakatingin sa akin at tumatawa habang komportableng nakadapa sa kama.

"Good Morning Chipster ko." Sinaman ko sya ng tingin. Kasalanan nya kung bakit ako nahulog. Sya ang yumugyog sakin kaya nasira ang payapa kong panaginip. Napakaepal!

Tumayo ako ay agad syang dinaganan. "Walangya ka. Kasalanan mo kung bakit ako nahulog. How dare you disturb my peaceful sleep!"

Inis kong sabi at inambahan syang susuntukin pero napigilan nya yun at mabilis na napagpalit ang aming puwesto. Ako naman ngayon ang nasa ibaba nya.

"Sorry, ang sarap kasi ng tulog mo nakakatemp na sirain." Mas sinamaan ko sya ng tingin.

"Gagong bwisit ka!!!"

"Hey,watch your mouth young lady."

"Mouth ko? maganda at malambot."

"Alam ko." Sinubukan ko ulit magpumiglas. Namumula ang mukha ko. Naalala ko ang unang paghalik nya sakin.

"Damn you're so cute when blushing." Hinalikan nya ako sa magkabilang pisngi. Mas lalo akong namula at sya naman ay tumatawa lang.

Ayan na. Wala na. Hindi na ako galit. Busit na lalaki.

"Halika na nga. Hihahatid na kita sa inyo." Unti unti nya akong pinakawalan. "Baka kung ano pang magawa ko sayo dito." Hindi ko yun masyadong naintindihan dahil pabulong nya lang itong sinabi.

"May sinabi ka?"

"Wala. Ang sabi ko tara na." Hinawakan nya ang kamay ko ay magkahawak kamay kaming umalis ng Sodachip Paradise.

"Huwag kana ngang sumama. Umalis kana." Kanina pa kami nagtatalo ni Ander dito sa labas ng bahay. Gusto nya pa kasing sumama sa loob pero ang sabi ko huwag na.

"Sasama nga ako. Hihingi nga ako ng tawad sa daddy at mommy mo. Siguradong nag-alala nanaman yun dahil hindi kana nakauwi." Pagpapainti nya sakin. Gets ko naman yung point nya pero ako na nga ang bahala.

"Huwag na nga. Ako na nga ang bahala." Matatag kong sabi.

"Ikaw naman kasi ehh. Hindi ka nagpaalam. Pinatay mo pa yung phone mo." Paninisi nya sakin. Oo na ako na may kasalanan. Akala ko naman kasi hindi kami gagabihin tapos gagabihin pala tapos nalimutan ko ng i-on ang phone ko.

"Sorry na. Kasalanan ko. Ayaw ko lang naman magpaistorbo." Pagdadahilan ko. Ngumuso ako. Alam kong mapapaayag ko din naman sya. Lakas ko kaya sa kanya. At huwag nya lang akong galitin baka mapatikin ko sa kanya ang aking nakakamatay na cold treatment for a month.

"Fine. Hindi na ako sasama pero kapag pinagalitan ka, tawagan mo lang ako. Ako ang magpapaliwanag sa kanila."

"Okay po, Sodabear." Hinalikan ko sya sa pisngi at diretsong pumasok sa gate. Hinintay ko syang makaalis bago humarap patungo sa pinto ng bahay.

Ngayon, malaya kong nalabas ang tunay kong nararamdaman sa sandaling ito. Malakas ang tibok ng aking puso dahil sa kabang aking nararamdaman. Paniguradong isang mahabang sermonan nanaman ang magaganap.

BYGONE WARMTH: WARMTH DUOLOGY NO.1Where stories live. Discover now